Billy napikon, hinding-hindi na raw babalikan si Nikki Gil | Bandera

Billy napikon, hinding-hindi na raw babalikan si Nikki Gil

Ambet Nabus |September 17,2014
facebook
share this

Billy napikon, hinding-hindi na raw babalikan si Nikki Gil

Ambet Nabus - September 17, 2014 - 03:00 AM

BILLY CRAWFORD 0917BINURA na pala ni Billy Crawford ang kanyang post sa Twitter hinggil sa pagtatanggol niya sa kanyang girlfriend na si Coleen Garcia. After kasing mangyari ang pagwawala niya sa Taguig Police precinct dahil sa kalasingan ay hindi na siya tinantanan ng bashers, at pati si Coleen ay idinamay na rin ng mga ito.

Sa naturang post sinabi ni Billy na, “Stop spreading rumors and pointing fingers at Coleen. There is no scandal. She’s not the cause of the mess I’m in. To all the bashers and haters out there, stop creating nonsense and hurt people. Enough is enough. And to all talking about my ‘X’, drop it already. It’s over. Never will I be with her ever in my life. Move On. Tama Na.”

Nakakaloka, di ba? Kaya marahil nu’ng mahimasmasan na si Billy ay agad niya itong binura, though na-grab na nga ito at na-i-post sa ibang sites. Kaya naman naging isyu muli ang paghihiwalay nila ni Nikki Gil na kanyang ex.

Hay, ano na nga ba ang naging epekto ng mga pagmamahalang noong una naman ay matino at maayos? We both know Billy and Nikki as very decent people at matalinong mga tao. Nakapagtataka lang na sa naturang pahayag ng aktor-TV host ay tila may kung anong something nega sa naging hiwalayan nila, na in all fairness naman kay Nikki ay never nagsalita nang masama tungkol sa kanyang dating BF.

Obvious na mahal na mahal at sobrang pinoprotektahan ni Billy si Coleen (na bigla ring sikat dahil sa iskandalo sa presinto, huh!) for him to finally say those words. At sa pagbubuhos niya ng kanyang saloobin at pagsagot sa mga bashers, nilinaw muli niya kay kuya Boy Abunda sa The Buzz noong Linggo na siya lang ang may pananagutan sa lahat ng nangyari. At haharapin niya ang lahat ng kasong isinampa laban sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending