Jake Vargas maliit pero ang lakas ng sex appeal | Bandera

Jake Vargas maliit pero ang lakas ng sex appeal

Jobert Sucaldito |September 16,2014
facebook
share this

Jake Vargas maliit pero ang lakas ng sex appeal

Jobert Sucaldito - September 16, 2014 - 03:00 AM

bea binene

Ang guwapo-guwapo ni Jake Vargas ngayon sa bago niyang hairstyle – lumabas ang mukha niyang sobrang guwapo talaga. Pag nakita niyo si Jake ngayon, naku, maglalaway kayo sa kaguwapuhan niya, malalaglag ang mga panty ninyo. Ha-hahaha!

Nu’ng dinalaw ko ang alaga kong si Michael Pangilinan sa taping ng Walang Tulugan the other Friday sa GMA 7, nagulat ako sa guwapong bagets na bumati sa akin habang ako’y nakatalikod.

Oh my gosh! Hindi ko nakilala – si Jake pala iyon. I immediately told him na sobrang bagay sa kaniya ang kaniyang haircut. Nakilala kasi si Jake sa makapal na buhok, yung sobrang kapal talaga! Guwapo na siya that time with that thick hair pero nitong bagong haircut niya, I must say that he is one of the best-looking young actors today.

Hayaan niyo na lang ang height, bagay naman sa kaniya ang hindi katangkaran pero oozing naman with so much sex appeal. Malay ninyo, kinulang nga sa height pero doon naman napunta, di ba? Mga lukaret, ang ibig kong sabihin sa ganda naman ng mukha napunta.

Kayo talaga, mga malisyoso. Parang ako rin kayo, ‘no? Ha-hahaha! Sa pagkakaalam ko, busy si Jake ngayon sa team-up nila ni Bea Binene sa GMA 7. They have a new serye together.

Ay basta, isa sa pinakaguwapo para sa akin ngayon si Jake Vargas. Kaya yung iba riyan, tumabi-tabi muna, OK?  Honestly, I find him so cute and very charming and sobrang bait pa. Walang yabang.

Kung ikaw ay isang babae, sasabihin mong parang kaysarap iuwi kay Mommy. Charroozzz! Ganoon ang dating niya sa akin. Hay naku, hanggang ilusyon lang naman tayo eh, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending