Tom Rodriguez handang maghintay: Ayokong pilitin si Carla! | Bandera

Tom Rodriguez handang maghintay: Ayokong pilitin si Carla!

Ervin Santiago |September 16,2014
facebook
share this

Tom Rodriguez handang maghintay: Ayokong pilitin si Carla!

Ervin Santiago - September 16, 2014 - 03:00 AM

tom rodriguez
Ayaw madaliin ni Tom Rodriguez si Carla Abellana. Handa raw siyang maghintay kung kailan magiging bukas uli ang puso ng aktres sa bagong pag-ibig matapos ang break-up nito kay Geoff Eigenmann.

Sey ni Tom, ang mahalaga raw ay mas nagiging matibay ang pagkakaibigan nila ni Carla at nagpapasalamat siya sa pagdating ng dalaga sa kanyang buhay. Aniya, lagi raw siyang excited sa taping nila para sa GMA TeleBabad series na My Destiny dahil bonding time na rin daw nila ‘yun ni Carla.

Dagdag pa ni Tom, mas naging malalim pa ang relasyon nila ni Carla ngayon kaya ‘yun ang gusto niyang protektahan. Nag-promise rin siya na hindi nila itatago ni Carla kung sila na nga.

Samantala, sa lahat ng mga sumusubaybay sa My Destiny na napapanood pagkatapos ng kasisimula lang na Strawberry Lane, narito ang kailangan n’yong abangan tonight.

Masasaktan si Joy dahil sa mga sinabi ni Arnold sa kanya tungkol kay Matthew. Samantala, mababalitaan na ni Grace ang nangyari sa tatay ni Matthew.

Distracted pa rin si Matthew sa nakita niya at maging si Joy ay hindi pa rin maka-get over sa hindi nila pagkakaunawaan ni Arnold. Pero magugulat sina Joy, Arnold at Agnes nang biglang dumating sa bahay nila si Grace kasama si Jacob!

Hindi makakapaniwala sina Agnes at Arnold na ikakasal na si Grace. Mawiwindang pa sila pagkasabi sa kanila ni Grace na buntis siya! Hihimatayin si Agnes.

Pupunta naman si Matthew sa bahay nina Grace, shocked siya nang makitang sweet na sweet sina Grace at Jacob. Mas lalo siyang nawindang nang malamang ikakasal na si Grace dahil buntis nga ito.

Gusto ni Jacob na mamanhikan. Habang si Grace happy dahil sa wakas ay magkakabati na ulit sila ni Joy. Affected si Matthew na ikakasal na si Grace at hindi iyon alam ni Joy.

Ngunit hindi inaasahan ni Grace na magkikita sila ni Matthew sa ospital!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending