HOROSCOPE, September 16, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, September 16, 2014

Madam Sophia |September 16,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, September 16, 2014

Madam Sophia - September 16, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tiyak na ang tagumpay basta’t wag ka lang aanga-anga. Habang buo ang loob na kumikilos, patuloy ang pag-lago at pag-dami ng pera. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magse-selyo ng buong maghapon. Mapalad ang 4, 7, 23, 31, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-kolum.” Silver at beige ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Panahon na upang palaguin ang kabuhayan. Bagong kalakal ang dapat na may kaugnayan sa pagkaing pam-pasko. Sa pag-ibig, katulungin ang kasuyong Libra sa naiisip na negosyo. Mapalad ang 3, 12, 21, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Secunda.” Violet at purple ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Lalong sasarap ang buhay kung magtatanim ng mga halaman. Kung walang bakuran, kahit sa paso mag-sikap kang magtanim. Gagawin mo yan, sapagkat ang mga halaman ang magbibigay sayo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 19, 23,  34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vedanta-Om.” Beige at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—May mga suliraning darating ngunit kung patuloy kang kakapit sa esensiya ng pag-ibig ang lahat ng iyan ay madaling masosolusyunan. Anoman ang dumating na balakid sa  relasyon, ang pagiibigan parin ang dapat mananig.  Mapalad ang 5, 18, 27, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Dosya-Om.” Blue at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi dapat maging emosyonal. Upang yumaman pagkakaperahan ang laging ilagay sa isipan. Sa pag-ibig  wag seryosohin ang kasuyo, pa-easy-easy lang ang dapat upang kung sakaling mabigo hindi ka na uli masyadong masaktan. Mapalad ang 2, 7, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Ikaw lamang ang tanging makapagpapabago ng iyong kapalaran. Panahon na upang itakda at isulat na ngayon sa isang kuwaderno ang iyong mga pangarap. Sa pag-ibig, tumuklas ng bagong paraan ng romansa upang hindi maboring ang kasuyo.  Mapalad ang 4, 18, 28, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Om.” Red at black ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Kung lagi kang may kadebate paano papasok ang maraming pera? Umoo ka lang ng umoo! Sa pag-ibig, hayaang ang ideya ng kasuyo ang siya namang masunod. Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 45, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yantra-Migeta-Dosha-Om.” Violet at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Mas madaling uunlad kung magiging masinop sa pag-gamit ng salapi. Huwag bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman niyang marunong ka ng mag-tipid. Mapalad ang 6, 15, 28, 31, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at apple green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Unti-unting matutupad ang mga pangarap, ngunit maraming kumplikadong bagay ang magganap. Hindi dapat ubusin ang araw sa labis na pagsasaya, maglaan ng oras sa meditation. Sa pagninilay, lalong gaganda ang kapalaran. Mapalad ang 2, 7, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kahit anong problema ang dumating isang kaibigang Aries ang maaasahan. Kung sadyang gipit na gipit sa salapi lumapit sa isang Aries. Sa romansa, bagamat okey ang isang Aries  mas higit kang kikiligin sa isang Libra. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pinansyal habang dumadami ang pera, mas mainit na romansa ang mararanasan mula sa kasuyong Taurus na hindi parin nagsasawa sa iyong kagandahan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” White at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Anoman ang ginagawa dagdag na libog ang kailangan. Laging mag-ehersiyo at kumain ng gulay at prutas. Sa ganyang paraan kapag nahusto na ang sigasig, kusa ka ng mananaig at magtatagumpay. Mapalad ang 6, 15, 33, 39, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Om.” Lilac at purple ang buenas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)— Ituring mong huling araw na ang bawat sandali. Doblehin pang lalo ang mga pagkilos. Sa ganyang paraan mas madali kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, dahil huling araw na ngayon, patikimin ang kasuyo ng isang napakasarap na romansa. Mapalad ang 5, 7, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Gayatri-Om.” Blue at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending