Marian umalma sa 1 buwang honeymoon nila ni Dingdong | Bandera

Marian umalma sa 1 buwang honeymoon nila ni Dingdong

Ervin Santiago |September 15,2014
facebook
share this

Marian umalma sa 1 buwang honeymoon nila ni Dingdong

Ervin Santiago - September 15, 2014 - 03:00 AM


WALA pang napipiling lugar sina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa kanilang honeymoon. Hindi pa raw talaga nila napagpaplanuhan ito dahil nakatutok sila sa mga detalye ng kanilang kasal sa Dec. 30.

“Actually ito yung pinaka-hindi namin naiisip na dalawa. Kasi every year kasi nagta-travel kaming dalawa, e. Kasi naman lahat ng gusto naming puntahan, winter! Hindi ka makakagala!” chika ng GMA Primetime Queen.

May nag-suggest na sa Australia na lang sila mag-honeymoon dahil summer doon kaya tamang-tama ang weather, “O sige iko-consider ko ‘yan. May nagsabi nga sa amin, Hawaii. Okey daw yung weather doon. Sige tingnan natin.”

Ang sey ni Dingdong, baka raw tumagal ng one month ang honeymoon nila, pero sey ni Marian, “One month? One month lang?! Ha-hahaha! Hindi, ang alam ko nga walang one month, e.

Kasi kailangan kong bumalik, kailangan din niyang bumalik. Two weeks nga lang daw, ang balitang nakarating sa amin. Bitin yata para sa honeymoon? Pero okey lang din kasi  palagi naman kaming nagta-travel.”

Kamakailan sa pocket presson ng kanyang self-titled dance show sa GMA, natanong din si Marian kung handa na ba siyang ipasa ang kanyang titulong Primetime Queen kapag nakasal na siya, “Alam nyo po, ‘eto lang po yan, ha, pag sinasabing ako ang Primetime Queen…kasi ang title na ‘yan ay ibinigay sa akin ng GMA, hindi ko po hiningi.

Malamang po pinaghirapan ko po ‘yan, nakita nila kung ano ang potensyal o kung gaano ko kamahal yung trabaho ko. “Ito ay salita lamang, title lang, ang importante yung ginagawa mo.

Mahal mo yung trabaho mo, dun sa trabaho mo maraming nagmamahal sa iyo. Iyon ang importante,” chika ng TV host-actress.
May nagbiro naman na baka raw ang anak niya ang magmana sa trono niya sa GMA? “Anak ko? Ay, dyusko! Harinawa,” sabay tawa ni Marian.

Tungkol naman sa security sa kanilang wedding na gaganapin nga sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, si Dingdong na raw ang bahala roon, basta ang kailangan lang daw nilang siguruhin ay ang kaligtasan ng lahat ng kanilang bisita, kabilang na riyan ang kanilang mga pamilya.

Noong huli naming makausap si Q.C. Mayor Herbert Bautista, ngayon pa lang daw ay inaayos na nila ang security measures na gagawin nila sa kasal nina Marian at Dingdong, lalo na ngayong kumpirmado nang dadalo si Pangulong Noynoy Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending