Horoscope, September 15, 2014 | Bandera

Horoscope, September 15, 2014

Madam Sophia |September 15,2014
facebook
share this

Horoscope, September 15, 2014

Madam Sophia - September 15, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Lunes ngayon ang pag-gamit ng kulay na red ang magbibigay ng masayang pag-ibig at masaganang karanasan sa aspetong pangmateryal na bagay.  Mapalad ang 1, 9, 27, 37, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Bukod sa pula mapalad ang pink.  
Aries – (Marso 21-April 19)—‘Wag maging over-conscious sa sarili. Hindi dapat intindihin ang sinasabi iba! Sa pribado at makasariling pamumuhay mas madali kang uunlad. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat paglaanan ng oras, ang kasuyong Leo. Mapalad ang 3, 18, 21, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trium-Savitra-Om” Purple at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Ang sikreto ng kaligayahan sa araw na ito ay “Pahalagahan ang mga bagay na na sa sa iyo at wag hangarin ang mga bagay na wala sa iyo.” Ang pagiging kuntento ang nagpapahaba ng buhay. Mapalad ang 6, 12, 30, 36, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Deva-Om.” White at red ang buenas
Gemini – (May 21-June 21)— Sa patuloy na pagsisipag, biglang madodoble ang kita. Sa pag-ibig, hinahanap ka  ng isang Sagittarius paunlakan mo ang kanyang paanyaya. Mapalad ang 6, 30, 33, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Silver at lavender ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Ganyan talaga kapag Setyembre at Oktubre na maraming mangungutang mahirap kasi ang buhay ngayon. Kung namumurublema ka rin sa salapi,  masosulusyonan yan kung uutangan muna ang kasuyong Pisces. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Gareen at lilac ang buenas
Leo – (July 23 – August 22)— Sa kabila ng unti-unti ng nauubos ang pera biglang may darating na grasya.  Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius.  Mapalad ang 3, 12, 21, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Om.” Yellow at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi dapat magsawa sa iyong ginagawa, alalahanin mong dyan ka kumikita ng pera. Sa pag-ibig, tama ang suwestyon ng kasuyo, kailangang muli kayong magkita upang muling sumigla ang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Violet at silver ang buenas
Libra – (September 23-October 23)—Mag-isip ng dagdag pagkakakitaan. Bagong side line at bagong kalakal na may kaugnayan sa tubig at pagkain ang dapat. Sa pag-ibig, simulan ng maghanap ng bagong mamahalin sa katauhan ng isang Aquarius. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Akyata-Om-Purana.” Green at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Tuloy ang pag-angat ng kita, ngunit bakit nga kaya hindi ka lubusang masaya? Sa pag-ibig, tama ang iyong sapantahan, sa isang Cancer matatagpuan ang ganap na ligaya. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Purple at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Lumalamig ang panahon, ngunit ang elementong init ang nagbibigay ng suwerte sa mga Sagittarius.  Makipag-romansahan sa kasuyo at muling painitin ang mag-hapon. Sa kalakal na may kaugnayan sa init at apoy malaking halaga ang kikitain. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at silver ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—‘Wag apurahin ang pag-unlad! Sa inot-inot na pag-iipon mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, dispatsahin na ang kasuyong Leo na wala namang silbi, palitan ng isang Taurus. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 47. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Manu-Om-Horan.” Green at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa pagsasakprisyo alang-alang sa iba, mas malaking salapi ang iyong kikitain. Sa pag-ibig, ganon din, iukol ang lahat ng bagay para sa iyong minamahal. Sa ganyang paraan ka uunlad at magiging maligaya. Mapalad ang 2, 13, 25, 34, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sol-Dasa-Om.” Beige at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Mahirap talagang malayo sa pamilya, subalit kailangang tiisin upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kung paanong lagi mo siyang naaalala, ganon din naman siya sayo. Sa muli nyong pagkikita lalong sasarap ang romansa. Mapalad ang 4, 8, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” White at gold ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending