Abra yumabang na, palaging late sa Show | Bandera

Abra yumabang na, palaging late sa Show

Jobert Sucaldito |September 15,2014
facebook
share this

Abra yumabang na, palaging late sa Show

Jobert Sucaldito - September 15, 2014 - 03:00 AM

I JUST love this man – parang totoy nga ang tingin ko rito kay Abra dahil maliit lang siya pero super cute. I may not be a fan of rap music pero I am a fan of this boy. Or baka meron lang akong ibang pagnanasa sa kaniya. Ha-hahaha!

Puwede ngang pinagnanasaan ko siya kasi type ko siya. Ha-hahaha! Umamin din! Pero what’s this I heard about my baby Abra – marami raw ang naiinis sa kaniya dahil palagi na lang itong late sa mga appointments niya.

Sa mga shows – recordings – rehearsals – hindi raw ito dumarating sa tamang oras. Hindi ito magandang senyales para sa ikaaangat ng karera niya sa music industry, hindi tama ang palagi siyang late.

Palagi niyang dahilan daw ay traffic, naligaw at kung anu-ano pa.”Bakit hindi siya umalis nang maaga o di kaya alamin ang exact location ng kaniyang pupuntahan para hindi siya maligaw? Kung naliligaw siya halimbawa, magtanong siya sa sinuman sa kalye para mas mapadali siyang makarating sa kaniyang appointments.

“Kasi nga, nakakaabala siya ng ibang tao – pinaghihintay niya ang ibang mga kasamahan niya sa work. May mga trabaho rin ang mga ito at may mga commitments kaya nasisira tuloy ang mga lakad ng iba dahil madalas siyang late.

Hay naku!” ang nabubuwisit nang sabi ng isang taga-produksiyon ng isang recording company. Well, kung iyan ang problema kay Abra, gusto niyo ako na lang ang susundo sa kaniya para di siya ma-late? Puwede siyang maging on time pag ako ang susundo sa kaniya.

May bonus pa siyang pagmamahal at pag-aaruga. Charrot!  Totoo ba ito, Papa Abra. Well, all Abra needs is discipline. It’s not enough that you’re a good performer, kailangan ng professionalism sa negosyong ito.

Bihira ang nagsa-succeed kasi pag hindi propesyonal kausap. Paalala lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending