Dating child wonder ng ABS may master's degree na sa London | Bandera

Dating child wonder ng ABS may master’s degree na sa London

Ervin Santiago |September 15,2014
facebook
share this

Dating child wonder ng ABS may master’s degree na sa London

Ervin Santiago - September 15, 2014 - 03:00 AM

ANG dating child wonder na si Serena Dalrymple ay naka-graduate na sa kanyang master’s degree sa isang business school sa London. Huminto noon sa pag-aartista ang former Kapamilya star at nagdesisyong tapusin muna ang kanyang pag-aaral.

Huli siyang napanood sa “Tanging Ina” franchise ni Ai Ai delas Alas kung saan gumanap siyang isa sa mga anak ng Comedy Queen. Sa huling installment ng movie ay ipinakitang isa na siyang madre.

Sa mga hindi na nakakaalala kay Serena, una siyang sumikat noong 1997 sa isang food chain commercial at mula nga noon ay namayagpag na siya sa mga programa ng Dos at mga pelikula ng Star Cinema.

Sa kanyang Instagram account ipinost ng dating child star ang kanyang kaligayahan dahil sa wakas natapos na rin niya ang kanyang master’s degree sa Hult International Business School sa London.

Ani Serena na graduate rin ng De La Salle, “Thanks friends and classmates, it’s been a good “yearcation”! 😛 #BackToReality #VacationIsOver #iNeedAJob.” Sinundan pa ito ng isa pang post na may litrato ng kanyang graduation hat na may backdrop ng isang beach, na may caption na: “Master of International Business. #Hult2014.”

Bukod dito, tuluy-tuloy pa rin ang pagiging adik niya sa photography, gumawa pa ng siya ng isang website kung saan naka-compile ang lahat ng kanyang mga obra, “I don’t really have a dream subject.

I prefer landscape photography so I guess my dream is to see the Northern Lights in Iceland,” aniya sa isang interview.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending