KC di sumipot sa Star Magic Ball, Lola Elaine isinugod sa ospital | Bandera

KC di sumipot sa Star Magic Ball, Lola Elaine isinugod sa ospital

Ervin Santiago |September 09,2014
facebook
share this

KC di sumipot sa Star Magic Ball, Lola Elaine isinugod sa ospital

Ervin Santiago - September 09, 2014 - 03:00 AM


INIINTRIGA ang hindi pagsipot ni KC Concepcion sa 8th Star Magic Ball noong Sabado ng gabi sa isang hotel sa Makati City.
May mga nang-uurot na dahil daw kay Piolo Pascual kaya nagdesisyon ang isa sa leading lady ni Coco Martin sa seryeng Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa rin kaya ni KC na makaharap ang dating boyfriend kahit matagal na panahon na silang hiwalay. Pero agad na nilinaw ni KC ang isyu, may valid reason siya kung bakit hindi siya nakapunta sa event.

Nabatid na habang nagaganap ang bonggang party ng Star Magic ay nasa hospital naman si KC kasama ang kanyang Lola Elaine Cuneta. Isinugod daw kasi sa emergency room ang mommy ni Mega noong gabi ring iyon.

Nag-post si KC ng isang litrato sa kanyang Instagram account na kuha sa loob ng  hospital room ng kanyang lola, nilagyan niya ito ng caption na: “Though i’m not at the fabulous Star Magic Ball tonight, being with my beautiful grandma at the hospi makes everything worthwhile!!! #familyaffair #GetWellSoon #MitaElaine.”

Muling nag-post ng mensahe ang actress-TV host para matigil agad ang tsismis sa kanya, “I was supposed to be at the ball tonight in my Rajo gown. Mita got rushed to the ER & now confined at the hospi.

As they say #FamilyFirst. Aww! Thank you for inviting me to the Ball, @starmagicphils! Thinking of you all. It will be amazing for sure!!! Here at St. Lukes with my best friend in the family. Love you all!”

At dahil hindi nga naka-attend si KC, wala ring ka-date ang rumored boyfriend niyang si Paulo Avelino sa nasabing event. Kung tama ang pagkakatanda namin, huling nagpunta sa Star Magic Ball si KC noon pang 2011 kung saan ang ex-boyfriend niyang si Piolo ang kanyang ka-date.

Samantala, gusto lang naming palakpakan si KC sa kanyang performance sa seryeng Ikaw Lamang kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Natalia, ang anak ni Franco (Boyet de Leon) at love interest ni Coco Martin.

In fairness, ibang-iba ang ipinapakitang akting ni KC sa Primetime series ng ABS-CBN, bida-kontrabida kasi ang atake niya sa role, makikisimpatya ang manonood sa kanya dahil sa pag-iibigan nila ni Samuel (Coco).

Pero tiyak na hindi natutuwa kay KC ang supporters nina Coco at Kim Chiu (playing Jacque) dahil siya ang magsisilbing “tinik” sa umuusbong na pagtitinginan ng dalawa.

At may kilig din ang tambalan nina Coco at KC ha, pero siyempre, mas lutang pa rin ang loveteam nina Coco at Kim dahil mas light at mas nakakaaliw ang mga eksena nila.

Anyway, sa pagpapatuloy ng kuwento ng Ikaw Lamang pagkatapos ng Hawak Kamay, isa-isa nang mabubunyag ang mga lihim, abangan ang muling pagkikita nina Gabriel (Joel Torre) at Isabelle (Amy Austria), pati na ang mga gagawing kasamaan nina Boyet at Mylene Dizon kay Coco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At siyempre, ang mas nakakakilig na mga eksena nina Kim at Coco kapag inamin na nila ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending