Lovi Poe asar-talo, tinawag na starlet ng direktor | Bandera

Lovi Poe asar-talo, tinawag na starlet ng direktor

Cristy Fermin |September 08,2014
facebook
share this

Lovi Poe asar-talo, tinawag na starlet ng direktor

Cristy Fermin - September 08, 2014 - 03:00 AM


Pinakamasakit para sa isang artistang nagpakahirap sa pagtatrabaho ang matawag na starlet. Hindi siya nangangarap na maging Superstar o Megastar o Diamond Star, ginagawa lang niya ang lahat-lahat para mabigyang-pagpapahalaga ang kanyang kapasidad, pero sa kabila nu’n ay tatawagin pa siyang starlet.

Ganu’n mismo ang pinagdadaanan ngayon ni Lovi Poe, tinawag siyang starlet ni Direk Erik Matti, nag-ugat ang problema sa isang pelikulang tinanguan diumano ng aktres pero ayaw na niyang gawin ngayon sa kung anumang dahilan.

Bukod sa minura na siya at tinawag na starlet ng direktor ay ikunumpara pa nito ang aktres sa isang pulis na nangongotong dahil sa pagpapataas niya at ng kanyang manager ng presyo.

Dalawang araw na shooting lang ang kanilang pinag-aargumentuhan, ayon sa direktor ay hindi binibigyan ng importansiya ni Lovi ang salitang binitiwan niya, nu’ng pumayag naman ang aktres at ang kanyang manager na si Leo Dominguez ay sobrang laki raw naman ang sinisingil sa kanila.

Kawalan ng komunikasyon, hindi pagkakaintindihan, ‘yun lang ang naging simula ng lahat na nauwi sa pagtawag kay Lovi ng starlet ni Direk Erik Matti.

Napakasakit nu’n para sa isang artistang tulad ni Lovi Poe na meron nang napatunayan sa pagganap. Hindi naman puro ganda lang ang pinaiiral ng dalaga, maraming beses na namin siyang napanood sa pelikula at telebisyon, at sobra pa sa pasado ang gradong maibibigay namin sa kanyang talento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending