Anne mala-hollywood star ang kaseksihan sa The Gifted | Bandera

Anne mala-hollywood star ang kaseksihan sa The Gifted

Ervin Santiago |September 03,2014
facebook
share this

Anne mala-hollywood star ang kaseksihan sa The Gifted

Ervin Santiago - September 03, 2014 - 03:00 AM


TAWA kami nang tawa habang pinanonood ang latest offering ng Viva Films at MVP Entertainment, ang “The Gifted” na pinagbibidahan nina Anne, Curtis, Cristine Reyes at Sam Milby.

Nagbigay ng special preview ang Viva Films nu’ng Lunes ng gabi sa Director’s Club cinema ng SM Megamall at in fairness, talagang mula simula hanggang ending ng movie, wala kaming ginawa kundi humalakhak sa mga nakakalokang eksena ng tatlong bida.

Inasahan na namin na mag-eenjoy kami sa “The Gifted” dahil ganito ang mga klase ng movie na gustung-gusto naming pinapanood, ang isa sa mga favorite kong Hollywood movie na pwedeng i-level sa “The Gifted” ay ang “Romy & Michelle’s High School Reunion” (1997) starring Lisa Kudrow at Mira Sorvino.

Tungkol din ito sa dalawang magkaibigan na laging binu-bully sa noong high school sila pero nang-agaw ng eksena nang magkaroon sila ng reunion.

Pero ibang-iba naman ang atake ni direk Chris Martinez sa “The Gifted”, siyempre, may Pinoy touch na ito na tiyak na ikawiwindang ninyo. Totoo ang sinabi ni direk Chris na nabigyan ng equal exposure sina Anne, Cristine at Sam sa movie at lahat sila ay may kanya-kanyang highlights.

Pero magpapakatotoo kami, si Anne talaga ang umangat sa pelikula. Aba, bakit hindi, sa dialogues pa lang niya ay mababaliw ka na, imagine, i-memorize mo ang sangkatutak na linya in English na very scientific! Not to mention the fact na siya talaga ang tunay na nag-effort pagdating sa costume.

Kung na-amaze kayo sa makatotohanang “taba” na ikinabit kay Anne sa movie, mas masa-shock kayo sa transformation niya. Yes, sanay na tayong mapanood ang TV host-actress na nagpapaseksi sa telebisyon at pelikula – pero dito sa “The Gifted” – ibang-iba ang emote niya. As in!

Sabi ko nga sa ating colleague na si Vinia Vivar na katabi ko during the special preview, kapag mga eksena na ni Anne ang ipinalalabas, para na kaming nanonood ng isang Hollywood movie.

Lalo na ‘yung eksenang nagbalik na siya sa Pilipinas matapos siyang magpakadalubhasa (at magpasipsip ng taba) sa ibang bansa. Habang bumababa siya sa isang private plane suot ang super sexy outfit – Angelina Jolie lang ang kanyang peg!

At kahit nga dark comedy ang tema ng “The Gifted”, feeling namin, pwedeng-pwedeng ma-nominate sa pagka-best actress si Anne rito.

Samantala, hindi rin naman nagpalamon si Cristine kay Anne, as usual, pinahanga uli kami ng sisteraka ni Ara Mina sa kanyang akting. Pero huwag umasa ang mga boys na naglalaway sa katawan ni Cristine na may gagawin siyang pasabog sa movie dahil mabibigo lang kayo.

E, kasi nga, mukhang pinanindigan na ni Cristine ang pangako niya na lilimitahan na niya ang pagpapakita ng laman. May isang eksena sila ni Sam Milby na nasa beach, pero sa halip na ibuyangyang nang bonggang-bongga ni Cristine ang kanyang makinis na katawan – isang very “manang” na swimsuit ang kanyang isinuot.

Pero na-shock naman kami nang murahin niya si Anne sa isang scene, ha! Grabe!  As for Sam, true rin ang sinabi ni direk Chris sa last presscon ng pelikula, magugulat ang manonood sa ipinakita ng binata sa “The Gifted” bilang kaklase nina Anne at Cristine na may itinatago palang lihim.

Hindi rin mabibigo ang mga beki na manonood ng pelikula dahil may isang eksena rito si Sam na nag-macho dancing sa harap ni Cristine. Hindi muna namin sasabihin kung hanggang saan umabot ang pagiging macho dancer ni Sam – ‘yan ang alamin n’yo. Ha-hahaha!

Anyway, hindi ko na ikukuwento sa inyo kung ano ang naging takbo ng kuwento ng “The Gifted”, basta siguradong makaka-relate kayong lahat, at bigla kayong magre-reminisce sa inyong high school life. Mas OK siguro kung manonood kayo kasama ang inyong high school friends or mga dabarkads para mas masaya!

Kasama rin pala sa “The Gifted” sina Candy Pangilinan, Dominic Ochoa, Arlene Muhlach, Ricky Rivero, Isay Alvarez, Ana Abad Santos, Rubi-Rubi, Racquel Villavicencio, Alliya Fatima Dela Riva, Abby Bautista at Ashley Rivera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Uy, wag muna kayong aalis kapag ipinakita na ang closing credits dahil may isa pang ending ang pelikula na ikawiwindang n’yo. Ha-haha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending