Tom magiging GF si Carla pagkatapos ng My Destiny | Bandera

Tom magiging GF si Carla pagkatapos ng My Destiny

Ervin Santiago |September 03,2014
facebook
share this

Tom magiging GF si Carla pagkatapos ng My Destiny

Ervin Santiago - September 03, 2014 - 03:00 AM


NASA Singapore ngayon ang cast ng Kapuso primetime drama series na My Destiny. Noong Lunes ay tumungo sina Carla Abellana at Sid Lucero sa Lucky Plaza kung saan nagkaroon sila ng meet-and-greet sa mga Pinoy fans.

Kitang-kita naman ang mga kilig moments at mga eksena nina Carla at Tom Rodriguez sa kanilang taping sa Gardens by the Bay. Matapos ang iyakang naganap sa break-up episode ng My Destiny noong Lunes, siguradong aabangan ngayon ang gagawin ni Matthew (Tom) para sa kanilang relasyon ni Grace (Carla).

At siyempre, ngayong umamin na pareho sina Tom at Carla na nasa ligawan stage na sila (though mas marami ang naniniwala na magdyowa na sila), mas mae-excite pa ang mga manonood sa susunod nilang mga eksena.

Sabi nga ni Tom, umaasa siya na aakyat pa sa mas mataas na level ang samahan nila ni Carla sa mga susunod na araw dahil sa kanilang serye. At siyempre, ang gusto ng kanilang supporters ay magkatuluyan din sila sa ending.

Mukhang tatagal pa sa ere ang My Destiny dahil sa magandang rating nito, ibig sabihin, matagal pang magkakasama sina Tom at Carla kaya mas mahaba pa ang panahon nila para mas makilala pa ang isa’t isa.

At baka nga bago matapos ang kanilang serye sa GMA ay mag-announce na sila ng kasalan! Ha-hahaha! Kasal talaga agad-agad!?

Kasama pa rin sa My Destiny sina Rhian Ramos, Lorna Tolentino, Al Tantay, Kuh Ledesma, Ruru Madrid at marami pang iba. Abangan ang pagpapatuloy ng kuwento nina Matthew at Grace gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending