Jessa, Kz, Michael, Marion, Janella: Madugo ang laban sa himig handog | Bandera

Jessa, Kz, Michael, Marion, Janella: Madugo ang laban sa himig handog

Jobert Sucaldito |September 03,2014
facebook
share this

Jessa, Kz, Michael, Marion, Janella: Madugo ang laban sa himig handog

Jobert Sucaldito - September 03, 2014 - 03:00 AM


ANG saya-saya ng grand presscon ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 na ginanap sa Dolphy Theater last Monday evening kung saan 15 composers with 19 interpreters ang naglalaban-laban. Gaganapin ang grand finals sa Smart Araneta Coliseum this coming Sept. 28, 2014.

Hindi lang nakarating ang ibang singers and composers sa presscon dahil meron yata silang kaniya-kaniyang commitments on that day. Ang nandoon lang sa mga artists ay sina KZ Tandingan, Marion Aunor, Hazel Faith dela Cruz, Jessa Zaragoza, Jed Madela, Morisette Amon, Bugoy Drilon, Jovit Baldovino and our anak-anakang si Michael Pangilinan who interprets “Pare, Mahal Mo Raw Ako” by Joven Tan.

Ipinakita before the question and answer portion ang music videos ng 15 entries na ginawa ng mga na-assign sa kanilang school/university – magaganda lahat pero ang talagang nakatawag-pansin sa lahat, modesty aside, ay ang video ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ni Michael Pangilinan produced by UP students showing Michael with “best friend” (portrayed by indie actor Miggy Campbell) na nagtapat na nagmamahal sa kaniya.

Naghiyawan talaga ang showbiz press nang lumabas ang MTV na ito. “Provocative kasi ang video pero hindi malaswa at may kurot sa puso. Naka-relate ako, ha! Galing nilang dalawa, at yung lalaki who played the gay part was sooo good.

Yung nuances niya, yung mga tingin-tingin niya – nakakaiyak. Simple ang pagkagawa ng UP pero alam mong very artistic,” sabi ng isang member ng press na siyempre karamihan ay bading.

“Nakakatuwa ang music video mo, Michael – baklang-bakla. Ha-hahaha!” ani Tita Aida Espiritu na tumatayong talent coordinator ng Himig Handog.

Gusto ko rin ang music video nina Marion Aunor, KZ Tandingan and Janella Salvador. Yung kay Jessa, very glossy – suplada ang mga alahas niya and very clean ang texture.

Halatang mamahalin. Yung kina Jugs and Teddy naman ay very novelty – easy-singing na cute. Pero hayup talaga ang boses ni KZ Tandingan, for me, ito ang pinaka-threat sa lahat ng entries aside from Michael’s “Pare, Mahal Mo Raw Ako”. Cute rin ng song ni Marion dahil very bagets – medyo bumpy and very teeny-bopper-ish.

Pleasant sa tenga kasi dahil iba ang texture ng boses ni Marion, pang-international kumbaga.Sabi nga ng isang male friend ko of Marion’s song, “Pag ganyan ang music na maririnig ko paggising ko sa umaga, ang sarap.

It would surely make my day”. Anyway, para sa mga sumusubaybay sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014, makakabili kayo ng ticket for it’s grand finals sa Araneta Coliseum sa Ticketnet, 911-5555.

Para naman sa MOR’s CHOICE, just text MORHHSONG11 para sa song ni Michael Pangilinan. Para naman sa nais bumili ng Himig Handog album, it’s already out sa record bars nationwide.

But please don’t forget to tear out the ballot sa loob ng album at i-check ang favorite song ninyo, paki-check halimbawa ang song na Pare, Mahal Mo Raw Ako” (for example lang iyon na puwede ninyong gawing totoo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ha-hahaha!) at ihulog sa dropbox sa mismong pinagbilhang record bar, OK?    Good luck to all of you, guys lalo na sa composers and interpreters ng Himig Handog 2014 na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending