Sharon naghahanda na raw sa 2016 elections | Bandera

Sharon naghahanda na raw sa 2016 elections

Ambet Nabus |September 02,2014
facebook
share this

Sharon naghahanda na raw sa 2016 elections

Ambet Nabus - September 02, 2014 - 03:00 AM


MALAKING halaga  ang ibinayad ni Megastar Sharon Cuneta para mabili ang kanyang “kalayaan” bilang isang kontratadong talent ng TV5.

Ito ang aming nasagap simula ng sumabog sa media ang ibinalita ni Sharon sa kanyang social media post na umalis  na siya sa nasabing network.

“Huge amount, as in napakalaki!” ang sabi ng aming nakausap tungkol sa pag-buy out ni Mega sa dalawang taon pang kontrata niya sa Singko kapalit ng pagri-release sa kanya.

“Tinanggap naman ng pamunuan kasi matatalino naman at disente ang mga nag-uusap,” sey pa ng aming kausap na hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye hinggil sa tunay na amount na noon pa napapabalitang bilyon ang halaga.

Pero dahil nakadalawang taon naman sa TV5 si Megastar, tiyak naman daw na nabawasan na yun, pero malaki pa rin sigurado  ang involved na amount.

Meaning, ganu’n na talaga kalaki ang naipon at kayamanan ni Sharon dahil kung totoong binayaran niya ang kanyang kontrata, bonggang-bongga, di ba kapatid na Ervin? Siya pa lang yata ang kauna-unahang local artist na gumawa nito sa showbiz, tama ba?

Hmmmm, ano nga kaya ang mga susunod na hakbang at mga next pasabog ng Megastar? Totoo rin kaya ang mga tsismis na paghahanda na rin daw ito sa pagsabak ni Sharon sa politika?

Malakas kasi ang ugong-ugong na maraming kumukumbinse sa TV host-actress na tumakbong senador sa 2016.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending