Jessica Soho napahiya sa mga Japanese actor, staff ng GMA sinisi | Bandera

Jessica Soho napahiya sa mga Japanese actor, staff ng GMA sinisi

Alex Brosas |September 02,2014
facebook
share this

Jessica Soho napahiya sa mga Japanese actor, staff ng GMA sinisi

Alex Brosas - September 02, 2014 - 03:00 AM


Nakakahiya ang pagkakalat ng staff ng Kapuso Mo Jessica Soho. Nasulat kasi sa isa pang website ang pagiging unprofessional nito nang hindi na niya balikan ang kinausap nilang asawa ng isang Sentai actor.

Nag-communicate pala ang staff ni Jessica Soho kay Inaba Kazunori na gumanap bilang The Red Mask sa “Maskman”. Pinay ang asawa ni Inabam, si Georgette Anne Inaba.

Base sa report ng said website, nagmagandang-loob pa ang asawa ni Inaba at in-arrange na makasama sa interview ang iba pang kapwa Sentai actors na kasama ng asawa at nagkasundo na sa Sept. 2, 2014 at 5 p.m. ang interview.

Naloka na lang si Mrs. Inaba dahil malapit na ang date ng interview ay wala pang kumakausap sa kanila. Nag-rant siya sa Facebook.

Naglitanya si Mrs. Inaba na ‘yung ibang Sentai actors ay nag-cancel pa ng gagawin nila para ma-accommodate ang interview, ‘yung iba isiningit sa busy schedule nila ang panayam pero hindi man lang nag-follow up ang staff  ni Jessica Soho.

After niyang ma-post ang kanyang hinaing sa Facebook ay tinawagan si Mrs. Inaba ng staff ng show at sinabing hindi na tuloy ang interview.

Naloka si Mrs. Inaba. Hindi nga naman biro ang arrangement na ginawa niya tapos hindi pala niya alam na hindi pala tuloy ang interview. Nakakaloka nga naman ‘yon.

Ano ba itong staff ng show ni Jessica, simpleng coordination lang ay hindi pa magawa nang tama. Nakakahiya lang dahil baka isipin ng mga Japanese actors na ganito pala ang kalakaran dito sa Pilipinas.

I’m sure hiyang-hiya rin si Jessica sa nangyari. Anyway, humingi na ng paumanhin ang show kay Mrs. Inaba at sinabing magkakaroon sila ng imbestigasyon about the matter.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending