Coco, Kim, KC walang lamunan sa Ikaw Lamang | Bandera

Coco, Kim, KC walang lamunan sa Ikaw Lamang

Ervin Santiago |September 02,2014
facebook
share this

Coco, Kim, KC walang lamunan sa Ikaw Lamang

Ervin Santiago - September 02, 2014 - 03:00 AM


Sino nga kaya kina Xian Lim at Coco Martin ang magiging escort (o ka-date) ni Kim Chiu sa bonggang annual Star Magic Ball na magaganap sa darating na Sabado sa Makati Shangri-La Hotel.

Ayon kay Kim, hindi pa siya niyayaya ni Xian para maging partner nito sa nasabing event. Wala ring balita kung balak siyang imbitahan ni Coco para sila ang sabay na magtungo sa taunang grand reunion ng mga Kapamilya stars.

Si Coco ang leading man niya sa Primetime Bida series na Ikaw Lamang. O, baka naman walang balak si Kim na magtungo roon ng may escort, baka ang feel niyang gawin this time ay magsolo, para maiba lang?

“Hindi pa niya (Xian) ako ini-invite eh. Pero malungkot naman kapag mag-isa ka lang maglalakad,” pahayag ni Kim sa interview ng ABS-CBN. Last year, sabay na dumating sina Kim at Xian sa party at sila rin ang nanalong Fabulous Pair Award.

Pero siniguro ng Teleserye Princess na kahit wala siyang ka-date ay pupunta pa rin siya sa event. “Nakaka-excite magsuot ng magagandang damit. Hindi siya costume mo sa teleserye or sa movie. Choice siya ng mga artista.

Siyempre iniidolo mo naman lahat ng nandoon so parang ang sarap tignan na maganda ang mga itsura niyo sa totoong buhay,” paliwanag ng dalaga.

Mas simple rin daw ang isusuot niyang gown this time dahil wala na siyang masyadong oras na mag-prepare, “Hindi ako masyadong nakapaghanda ngayon kasi taping tapos shooting.

Ipagpapaubaya ko na lang kay Pepsi (Herrera) at sa glam team ko yung buong look ko this Saturday.” Samantala, patuloy namang umaarangkada sa ratings game ang book 2 ng Ikaw Lamang nina Kim at Coco, kung saan kasama rin sina KC Concepcion, Mylene Dizon, Boyet de Leon, Joel Torre, Amy Austria, Rio Locsin at marami pang iba.

Kaya mas lalo pang ginaganahan ang buong production na mas pagandahin at mas gawing kaabang-abang ang bawat eksena sa serye. At hindi naman nila binibigo ang mga viewers dahil sa bawat episode nito ay talagang apektado ang madlang pipol.

Nasubaybayan namin ang episode ng Ikaw Lamang noong Biyernes, at talaga namang maaadik ka sa panonood. Tuwang-tuwa kami kapag magkakaeksena na sina Kim, Coco at KC bilang sina Jacque, Gabriel at Natalia.

Kitang-kita kasi na nagbibigayan sila sa kanilang mga eksena. Hindi sila nagsasapawan. Ngayong linggo, tiyak na mas kikiligin kayo sa mga asaran at kulitan nina Kim at Coco dahil unti-unti na nilang nari-realize ang tunay na feelings ng isa’t isa.

Napapanood ang Ikaw Lamang gabi-gabi sa Primetime Bida after Hawak Kamay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending