Mark Gil bumigay ang liver dahil daw sa alak; namayat nang todo | Bandera

Mark Gil bumigay ang liver dahil daw sa alak; namayat nang todo

Jobert Sucaldito |September 02,2014
facebook
share this

Mark Gil bumigay ang liver dahil daw sa alak; namayat nang todo

Jobert Sucaldito - September 02, 2014 - 03:00 AM


KAHAPON ng alas-8 ng umaga nalagutan ng hininga ang mahal nating character actor na si Mark Gil – Ralph to many of his friends including us – sa sakit sa liver.

Matagal na raw malala ang sakit na ito ni kaibigang Mark dala ng sobrang pag-inom when he was much younger.  But of course, we don’t want to blame him for that, kasi nga, hindi naman natin alam kung anong kaligayahan ang naidudulot nito sa kanya, pero it must serve a lesson to each and everyone of us na hindi talaga nakabubuti sa katawan ang sobrang pag-inom. Masama talaga sa katawan iyon.

Kung natatandaan niyo pa, I mentioned sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM ang diumano’y malalang sakit ni kaibigang Mark.

May nagsabi kasi sa akin na tinaningan na ito ng kaniyang doktor ng about 50 days (if I’m not mistaken) to live dahil hindi na talaga kayang gamutin pa ang kaniyang karamdaman.

His family kept mum about his condition and everyone respected that. “Nakasabay ko kasi siya minsan sa isang clinic diyan sa Timog. Hindi ko siya nakilala dahil sobrang payat at mabilis na tumanda ang kaniyang mukha.

Nawala ang glow niya when he was very active sa showbiz. Ang nakakilala sa kaniya ay ang househelp ko, sabi niya ‘Ma’am, si Mark Gil ba iyan? Ano sakit niya?’ Nagulat ako, nang tiningnan ko nang pasimple, oo nga, si Mark Gil nga.

We went to the same doctor pala,” sabi ng isang babaeng tagabangko na kaibigan ko. Doon ko nalaman na malala na nga ang sakit ni Mark.

Anyway, I learned from Papa Ahwel yesterday that Mark Gil passed away na nga at nang buksan ko ang Facebook ko, doon ko na-confirm that he’s really gone.

I was just left with memories of our dear friend Mark na nakakasama namin before sa ibang lakaran. I was very close then to the Eigenmann family – my entrance kasi sa showbiz ay ang article ko of my super-love Cherie Gil (Mark’s sister) na lumabas sa Jingle Extra Hot August of 1982, my very first write-up.

Since then, malapit na ang puso ko sa kanilang pamilya. Mahal ko ang mga iyan lalo na itong si Gabby Eigenmann na inalagaan ko pa at times when he was still a baby.

Gabby is Mark’s son kay actress-commercial model Irene Celebre. Kasi nga, I managed his mom before, yung pa-echos lang na manager kuno. Kaya everytime I would see Gabby, bumabalik sa aking alaala na parang anak ko na rin siya.

Kaya may special spot sa puso ko ang batang iyan. No one can harm him dahil mahal ko iyan. Ang dalawa pang anak ni Mark na pumasok sa showbiz ay sina Andi at Sid Lucero.

Si Ralph naman (palayaw ni Mark), there were times na iniiwasan namin siya pag nakainom kasi nga takot kami sa kaniya, baka kami ang mapagdiskitahan.

Syokot ang mga baklush dahil baka masuntok kami though hindi naman niya iyon ginagawa. Dahil sa mestizo features niya, mukha siyang galit gayong hindi naman.

As of this writing, hindi ko pa nakuha ang details ng wake ni Ralph. Pero by this time ay alam na siguro ng lahat kung saan siya nakaburol at kung kailan ang libing.

This must be a hard time for the Eigenmann family lalo na kina Tita Rosemarie Gil at Tito Eddie Mesa, who are both based sa States. Let’s pray for the repose of his soul. We’ll miss you, Mark.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending