Mark Gil pumanaw na! | Bandera

Mark Gil pumanaw na!

Ervin Santiago |September 01,2014
facebook
share this

Mark Gil pumanaw na!

Ervin Santiago - September 01, 2014 - 01:09 PM

MARK GIL

PUMANAW na kaninang umaga ang veteran actor na si Mark Gil – Ralph John Eigenmann sa tunay na buhay. Siya ay 52 years old.
Si Mark ay ama ng mga artista ring sina Andi Eigenmann, Gabby Eigenmann at Sid Lucero, at kapatid ng mga kilala ring aktor na sina Michael de Mesa at Cherie Gil. Siya ay anak nina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Naging karelasyon din siya noon ng mga aktres na sina Jaclyn Jose at Bing Pimentel.

Ayon sa ulat, liver cirrhosis ang ikinamatay ni Mark Gil, pero ayaw pang magbigay ng detalye ang kanyang pamilya. Ngayong alas-5 ng hapon nakatakdang magbigay ng opisyal na pahayag ang kampo ng aktor.

“Yes, we would like to confirm the death of one of our beloved Mark Gil who just joined our creator this morning at 8 a.m. As of now, the family is in deep grieving and they want private time with him. They will issue an official statement within the day.

Thank you and we need all your prayers for the repose soul of Mark and strength for his bereaved family,” ayon sa inisyal na pahayag ng pamilya ng namayapang aktor.

Ang huling naging proyekto ni Mark bago siya pumanaw ay ang teleseryeng The Legal Wife ng ABS-CBN at My Husband’s Lover sa GMA. Bago ito, naging bahagi rin siya ng phenomenal serye ni Coco Martin na Walang Hanggan na mula rin sa Kapamilya network.

Ipagdiriwang sana ni Mark ang kanyang ika-53 kaarawan sa September 25. Si Mark ay kasal kay Maricar Jacinto mula pa noong 2006.

Mahigit 100 pelikula rin ang nagawa ng aktor, ang pinakahuli nga ay ang “Seduction” noong 2013. Umabot naman sa mahigit 30 ang nagawa niyang teleserye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending