Hamon sa MTRCB: Vice patawan ng mas mabigat na parusa! | Bandera

Hamon sa MTRCB: Vice patawan ng mas mabigat na parusa!

Ambet Nabus |August 31,2014
facebook
share this

Hamon sa MTRCB: Vice patawan ng mas mabigat na parusa!

Ambet Nabus - August 31, 2014 - 03:00 AM


TV host ginamit ang kayamanan para manalo ang bet sa reality show HINDI namin napanood yung mga episode sa dalawang show ni Vice Ganda na inireklamo sa MTRCB ng ilang concerned citizens na anila’y “offensive” at hindi dapat mapanood lalo na ng mga bata.”

Sa It’s Showtime at Gandang Gabi Vice naganap ang sinasabing mga reklamo at parehong si Vice Ganda ang sangkot. Sa It’s Showtime ay inireklamo ang eksenang pagpunas ng tuwalya ni Vice sa kanyang kilikili at pagkatapos ay ipinunas sa mukha ng isang male dancer ng show sa portion na Gandang Lalaki.

Ang guesting naman nina Piolo Pascual at personal assistant nitong si Moi ang naging ugat ng reklamo laban sa Gandang Gabi Vice. Sobra raw kasing maselan at bastos ang naging laman ng diskusyon ng naturang guesting kung saan may mga usapang sekswal na naganap.

Ipinatawag nga ng MTRCB sa pamumuno ni Atty. Toto Villareal si Vice pati na rin ang mga taong namamahala sa dalawang programa para muling i-discuss sa kanila ang mga parameters ng ruling ng MTRCB.

Nakatakda pa nga raw sumailalim sa seminar si Vice para umano tumatak sa utak nito ang responsableng pagho-host sa TV.
Nagbigay na ng apology ang mga namumuno sa mga nabanggit na show including Vice Ganda, pero marami pa rin ang nagsasabing paulit-ulit na lang ito at para bang hindi na sila natututo.

May nag-suggest pa nga na dapat daw ay mas mabigat na parusa na ang ipataw kay Vice dahil sa paulit-ulit na lang nitong ginagawang “kaalayan” sa telebisyon.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending