Kris Bernal payag maging dyowa ni Dennis: Pero baka manghina ako! | Bandera

Kris Bernal payag maging dyowa ni Dennis: Pero baka manghina ako!

Ervin Santiago |August 31,2014
facebook
share this

Kris Bernal payag maging dyowa ni Dennis: Pero baka manghina ako!

Ervin Santiago - August 31, 2014 - 03:00 AM


MATAGAL namahinga ang Kapuso Teleserye Princess na si Kris Bernal sa paggawa ng soap opera. Pero sa pagbabalik niya sa Primetime, tinupad ng GMA ang matagal na niyang pangarap – ang maging leading man ang Drama King ng bagong henerasyon na si Dennis Trillo.

Inamin ni Kris na noon pa niya crush si Dennis at talagang inatake siya ng nerbiyos nang sabihin sa kanya ng GMA na gagawa sila ng aktor ng soap opera, kasama sina Rocco Nacino at Lauren Young, ito ngang Hiram Na Alaala na magsisimula na ngayong September.

“I play the role of Andrea Dizon.  I grew up in Baguio so I have to learn Ilocano,” kuwento ni  Kris sa pocket presscon ng nasabing soap. Medyo nahihirapan lang ako sa mga dialogues ko na Ilocano,” aniya  pa.

“Mga four days din kaming nag-taping sa Baguio. Nursing student ako. Pupunta ako ng Maynila dahil hinahanap ko ang nanay ko. At dahil boyfriend ko si Rocco na sumali sa PMA, doon na magkakaroon ng complications and twists.

“Siyempre dahil naging sundalo siya, sumabak siya sa mga giyera.  Meron siyang pinapasok na mga misyon. Hanggang magkakaroon ng love triangle sa characters naming tatlo nina Rocco at Dennis.

“But this one is different from the love triangle na nakikita natin sa soap na may agawan, ganyan.  Ito walang agawan. Parang ang nangyari, may memories na napunta sa iba. Yong memories ni Rocco, dahil sa trauma… mapupunta sa iba.

“Itong Hiram Na Alaala talaga ang masasabi ko na… kasi ang tagal kong hindi gumawa ng heavy drama. Tapos dalawang magaling na aktor ang leading man ko.  So pressured na pressured ako!” ani Kris.

Dito na namin itinanong sa aktres kung ano ang feeling na makatrabaho ang lalaking inaasam-asam niya.  Tugon ng dalaga, “Ako naman, very vocal ako dati pa na dream leading man ko si Dennis.

Nag-uumpisa pa lang ako, I would always say na gusto ko siyang makapareha if ever na puwede akong pumili or mapagbigyan ako.” “Lahat  naman siguro ng artistang babae, gustong makapareha si Dennis kasi napakahusay niya.

Proven and tested nang sa lahat ng project na ginawa niya, napakagaling niya. At siyempre hindi lang siya mahusay, napakaguwapo niya rin, di ba?” kilig na kilig na chika pa ng aktres.

Feeling ba niya pwede siyang ma-in love talaga kay Dennis? “Puwede naman.  Posible. Hindi mo naman mapipigil kung maramdaman mo na nai-in love ka na.

Why not, di ba? Pero sa ngayon kasi, ini-enjoy muna naming ang pagiging magkatrabaho namin. And ‘yon nga… nagsisimula pa lang kami.

“So hindi pa masyado kaming nakakapag-usap.  Hindi pa rin kami masyadong nakakapag-bonding. Posible siya.  Pero parang… manghihina siguro ako!” sabay tawa ng dalaga.

Kaya ba niyang siya mismo ang gagawa ng paraan para mabaliw sa kanya si Denns? “Hindi naman ako ‘yong klase ng babae na maghahabol ako.  Kahit pa sabihing crush ko o ano. Kilig-kilig lang.

Pero hindi ako ‘yong tipong lalapit… ganyan.  Hindi ako gano’n. So… trabaho pa rin. Pero siyempre kung possible naman, kikilalanin mo dapat ‘yong tao.  Gano’n.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending