Sam binibitin si Shaina, ayaw pang itodo ang panliligaw | Bandera

Sam binibitin si Shaina, ayaw pang itodo ang panliligaw

Jobert Sucaldito |August 31,2014
facebook
share this

Sam binibitin si Shaina, ayaw pang itodo ang panliligaw

Jobert Sucaldito - August 31, 2014 - 03:00 AM

SA “Pare, Mahal Mo Raw Ako” concert ni Michael Pangilinan sa Teatrino last Thursday ay naging guest nito si kuya Sam Milby niya who felt so proud of him. Parang younger brother na kasi niya si Michael dahil original na anak ko iyang si Sam, remember?

Grabe ang ibinigay ni Sam na support kay Michael sa show, maliban sa three spot numbers niya on guitars, nag-novelty duet pa sila sa “Only You” number na pareho ang kanilang suot. Kasi nga, loko-loko itong si Michael, ginagawa kasi niya ang style ng pagkanta ni Sam ng “Only You” kaya talagang hagalpakan ang audience sa duet number nila. Nakakaloka!

“Pareho tayo ng suot, ginagaya mo ba ako? Ha-hahaha! Wait, iba lang ang shoes mo – ibang color – ako brown, ikaw black,” pagpansin ni Sam sa panggagaya ni Michael sa kaniya.

“Pero iba pa rin ang sa iyo, Kuya Sam. Ikaw talaga ang original. At mas guwapo ka sa akin. Ha-hahaha!” malambing na balik ni Michael kay Sam.

Pati sa production number sa dulo ng show ay hindi namin akalain na papayag si Sam na lumabas para maalalayan lang si Michael. Akala ko kasi ay hindi na siya aakyat sa stage  sa end ng show, “Congrats sa inyo ni Michael. Ang laki na nga improvement niya,” text ni Sam sa akin.

Nakakatuwa naman dahil full ang support ni Sam sa bago kong baby na si Michael Pangilinan. I saw Michael in Sam nu’ng nagsisimula pa lang ito sa music industry a few years ago – right after ng PBB.

Ako kasi ang kasa-kasama ni Sam sa marami niyang shows (with the blessings ng kaniyang napakabait na business manager na si Erickson Raymundo) dahil ako nga ang official publicist cum nanay-nanayan ni Samuel.

Kaya ang dasal ko lang ay matulad si Michael kay Sam one day – pag dumating ang araw na sumikat na siya – na nakaapak pa rin ang mga paa sa lupa. Sam kasi has remained soooooo humble through the years.

Anyway, next week na yata ang showing ng “The Gifted” movie nina Sam and Anne Curtis. Marami nga ang nagbibiro kay Sam kung siya ba’y totoong “gifted” as the title says.

Ha-hahaha! Mga gagang bading, di ba? Kinu-connect kasi nila ang salitang “gifted” with something else. Kaya sabi ko sa kanila, natural na “gifted” ang alaga ko sa maraming bagay. Mga baliw, di ba?

Sa singing, acting, sa kaguwapuhan, sa kabaitan at sa marami pang kadahilanan – talagang “gifted” si Sam. Walang tatalo. And how about his lovelife? Binuko raw kasi ni Anne si Sam sa presscon ng said film na meron na raw nagpapasaya sa kanya ngayon.

Ang hula ng marami ay si Shaina Magdayao ang nagpapatibok sa puso ni Samuel. Puwede, di ba? “Shaina and I hang out once in a while with some of our friends.

Mabait sobra si Shaina and siyempre, sino ba ang lalaking hindi magkakagusto sa kaniya? Maganda, mabait and super-talented. Sa ngayon, wala pa. But we’re really good friends. Kung saan mauuwi ang friendship namin, I don’t know yet. Sana,” paasang sabi ni Sam.

Basta kami, kahit sinong ibigin ni Sam ay suportado namin. Napakapalad ng magiging girlfriend ni Sam dahil he possesses the qualities of a man every woman would like to bring home to her parents.

Wait na lang tayo sa magiging resulta ng panliligaw na ito ni Sam kay Shaina. Ang tanong, nanliligaw nga ba? Ang sabi kasi ni Sam, ayaw niyang madaliin ang mga bagay-bagay.

Anyway, we like Shaina for Sam – kilala namin kung gaano kabuting bata nitong si Shaina kaya wala kaming tutol. Promise!
Basta ang “The Gifted” movie nina Sam and Anne under Viva Films ha – let’s support it to the maximum.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ganda kasi ng movie na ito – medyo ibang level na. Kaya we can’t wait to watch it.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending