JRU dinomina ang EAC | Bandera

JRU dinomina ang EAC

Mike Lee |August 30,2014
facebook
share this

JRU dinomina ang EAC

Mike Lee - August 30, 2014 - 03:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2:30 p.m. San Beda vs
St. Benilde
Team Standings: San Beda (9-2); Arellano
(9-2); Perpetual Help
(7-4); St. Benilde (7-4); JRU (7-4); Lyceum (5-6); Letran (4-7); EAC (3-8); San Sebastian (3-9);
Mapua (2-10)

NAGPASIKLAB ang mga sinasandalang manlalaro ng Jose Rizal University para durugin ang Emilio Aguinaldo College, 73-54, at makasalo uli sa ikatlong puwesto sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sinamantala ni Michael Mabulac ang patuloy na di paglalaro ni EAC Generals center Noube Happi sa kinamadang 18 puntos at 14 boards habang sina Jaycee Asuncion, Philip Paniamogan at Gio Nicole Lasquete ay naghatid ng 14, 12 at 10 puntos para saluhan uli ng Heavy Bombers ang pahingang University of Perpetual Help at College of St. Benilde sa 7-4 baraha.

Agad na umarangkada ang JRU sa 22-2 matapos maghatid ng walong puntos si Paniamogan. May anim pa si Mabulac para makontento sa 24-7 agwat bagay na hindi na kinayang tabunan pa ng Generals.

“Makikita mo ang determinasyon nilang manalo. Maganda ang ensayo namin at nakita ito sa laro,” wika ni JRU coach Vergel Meneses.

Sina Jan Jamon at Jerald Serrano ay may tig-16 puntos para sa Generals na hindi nagamit sa pangalawang sunod na laro si Happi dahil sa nananakit na likod upang bumaba pa sa 3-8 karta.

Pinatunayan ng Mapua na kaya nila ang San Sebastian nang nakumpleto ang pagbangon mula sa mahinang panimula sa 75-73 tagumpay sa ikalawang laro.

Ang Golden Stags lamang ang tinatalo ng Cardinals ngayong season para sa 2-10 karta. May 14 puntos si Andrew Estrella para sa Mapua tampok ang buslo na bumasag sa huling tabla sa 73-all.

Nasundan ito ng sablay na drive galing kay Jaymar Perez at ininda ng Stags ang katotohanang malayo pa sila sa penalty para maubos ang oras sa labanan.

Si Hesed Gabo ay may 14 puntos din at limang steals at karamihan sa kanyang naitala ay nangyari sa ikatlong yugto para makalapit ang Cardinals sa apat, 53-57.

Matapos ang split ni Jovit dela Cruz, kumawala ang Cardinals ng 10-0 bomba para kunin ang 63-58 kalamangan. Naghabol ang Stags at ang atake ni Jamil Ortuoste ang nagpatabla sa iskor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napasabit pa niya si Estrella pero mintis ang kanyang bonus free throw. May 26 puntos si Perez para sa Baste na  natalo sa ikawalong sunod tungo sa 3-9 baraha.

( Photo credit to inquirer news service )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending