Rocco baliw kay Lovi pero ayaw pang magpakasal | Bandera

Rocco baliw kay Lovi pero ayaw pang magpakasal

Ervin Santiago |August 30,2014
facebook
share this

Rocco baliw kay Lovi pero ayaw pang magpakasal

Ervin Santiago - August 30, 2014 - 03:00 AM


IN LOVE na in love si Rocco Nacino kay Lovi Poe. Kitang-kita namin ‘yan sa aura ng Kapuso actor kapag nakakachika namin siya, lalo na kapag ang tungkol sa girlfriend na niya ang pinag-uusapan. Iba ang kislap ng kanyang mga mata.

In fairness, isa si Rocco sa mga masusuwerteng local celebrity ngayon dahil bukod sa napakaganda ng takbo ng kanyang lovelife ay tuloy pa rin ang pag-ariba ng kanyang showbiz career.

As in hindi siya nawawalan ng trabaho sa GMA. Mukhang swerte nga sila ni Lovi sa isa’t isa. Kumbaga, hindi pwedeng i-apply sa kanila ang kasabihan sa showbiz na kapag makulay ang lovelife ng isang artista, ay hindi maswerte sa career – dahil nga parehong maganda ang takbo ng career at personal na buhay ni Rocco, pati na rin ni Lovi.

Ayon kay Rocco nu’ng huli namin siyang mainterbyu, kung nauuso ngayon ang mga proposal at pagpapakasal ng mga sikat na celebrities, mukhang malayo pa raw silang sumunod ni Lovi.

Nagsisimula pa lang daw kasi silang patibayin ang kanilang relasyon at marami pa raw silang ibang priorities ng Kapuso actress – at hindi pa nga kasama diyan ang pagpapakasal.

Bukod sa bagong teleserye ni Rocco sa GMA, ang Hiram Na Alaala kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo at Kris Bernal na magsisimula na next month, magiging busy din ang aktor sa promo ng pelikulang “Ibong Adarna: The Pinoy Adventure” na idinirek ni Jun Urbano.

Actually, last year pa natapos ang nasabing movie at isasali dapat sa MMFF 2013 pero ang isa pang pelikula ni Rocco ang napili, ang “Pedro Calungsod”. Pero sa darating na Oct. 1 ay ipalalabas na nga ito sa mga sinehan.

Kamakailan ay nagbigay ng press preview ang producer nitong Gurio Entertainment kung saan dumalo ang ilang members ng cast, pati na rin si direk Jun Urbano.

In fairness, maganda ang production value ng “Ibong Adarna” at hindi namin in-expect na maaaliw kami sa kuwento nito at sa mga special effects. Tiyak na mag-eenjoy dito ang mga bata.

Makakasama ni Rocco rito ang mga award-winning actors na sina Angel Aquino, Joel Torre, Ronnie Lazaro, Leo Martinez, pati na rin sina Benjie Paras, Lilia Cuntapay at marami pang iba.

Puring-puri naman ni direk Jun si Rocco sa pelikula bilang si Prinsipe Sigasig, ang matapang at masunuring anak at tagapagmana ng trono ni Sultan Mabait.

Siya ang makakahuli sa Ibong Adarna para gamitin sa pagpapagaling sa kanyang ama. “I’m proud dahil ako ang gumawa ng ikaapat na version. I’ts  an honest to  goodness sincere film.

It’s worth viewer’s hard-earned money. I hope that it’s audience, especially the students will feel like they are watching  the adventure  movie Indiana Jones,” pahayag ni direk Jun na mas kilala sa tawag na Mr. Shooli.

Para sa lahat ng hindi pa nakakaalam, ang  “Ibong Adarna” ay unang naipalabas noong 1939 sa direksyon ni Victor Salumbides na pinagbidahan nina Fred Cortes at Mila Del Sol.

Ang namayapang ama ni Urbano na si Manuel Conde ang nagsilbing technical supervisor ng pelikula. Gumawa naman ng isa pang remake (in full color) si Conde noong 1955.

Isa pang bersyon  ang ipinalabas noong 1972 na idinirek ni Pablo Santiago at pinagbidahan or nina Comedy King Dolphy at Rosanna Ortiz.

Tuwang-tuwa naman ang buong production nang makatanggap sila ng endorsement mula sa Department of Education, ililibot ang “Ibong Adarna: The Pinoy Adventure” sa mga eskuwelahan.

Magkakaroon din ito ng premiere night sa Sept. 29 sa SM Megamall cinema 9 sa pamamahala ng National Press Club ni President Joel Egco at dating Pangulong si Benny Antiporda.

Kuwento pa ni direk Jun, swak sa mga kids ang pagkakagawa sa bagong version ng “Ibong Adarna”, “Imbes na sultan, ginawa kong hari. Mayroon din ditong diwata, nuno sa punso, aswang at Haribon or Philippine eagle.”

Bukod sa mga nabanggit ng direktor, tuwang-tuwa rin kami sa child star na gumanap na batang Aeta sa movie na naging “sidekick” ni Rocco. Ito kasi ang tumulong sa kanya para mahanap at mahuli ang mahiwagang Ibong Adarna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending