Luis biglang sikat sa Thailand, napagkamalang matador | Bandera

Luis biglang sikat sa Thailand, napagkamalang matador

Alex Brosas |August 30,2014
facebook
share this

Luis biglang sikat sa Thailand, napagkamalang matador

Alex Brosas - August 30, 2014 - 03:00 AM


Hit na hit pala si Luis Alandy sa Thailand. Maging ang actor ay nabigla nang maging sensational ang knayang half-naked photo habang nasa palengke na isang eksena sa teleseryeng Beauty Queen na ginawa pa niya noong 2010 for GMA 7.

Nag-post ang isang  Golfsuda Nam ng photo na ito ni Luis sa Facebook at sinabing isa siyang matador sa palengke. Nagkagulo sa social media, lahat gustong bumili ng paninda ni Luis. Umabot sa libo ang nag-share nito sa social media.

Sa kasikatan nga ng photo ay nagging tampok pa ito sa isang TV show. Dito ay kinlaro na isang TV star si Luis at hindi isang tindero sa palengke tulad ng kumalat sa social media.

Kaagad na nag-tweet ng appreciation si Luis and said, “Apparently I’m big in Thailand. Thank you Thailand for making me a star and trend in your country w/ this picture. I will see you soon.”

Kita mo nga naman ang kapalaran, sa isang photo lang ay puwede ka na palang sumikat sa ibang bansa.Naku, tiyak na pagkakaguluhan si Luis kapag nagpunta siya ng Thailand.

For sure, mas marami ang kikiligin na Thais kapag nakita siya nang personal. Who knows, baka i-guest pa siya sa iba’t ibang shows doon at maging instant superstar pa.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending