Mga producer na kumukuha kay Daniel nagtatampo kay Karla | Bandera

Mga producer na kumukuha kay Daniel nagtatampo kay Karla

Cristy Fermin |August 30,2014
facebook
share this

Mga producer na kumukuha kay Daniel nagtatampo kay Karla

Cristy Fermin - August 30, 2014 - 03:00 AM


Maraming lumalapit sa amin para kunin ang serbisyo ng pinakasikat na heartthrob ngayon na si Daniel Padilla. Ipinararating naman namin ang impormasyon sa kanyang inang si Karla Estrada.

Pero wala na itong maibigay na schedule ngayon, hanggang sa Pebrero ng 2015 ay sarado na ang schedule ni Daniel, ganu’n kabenta sa mga show-concert ngayon ang pinakasikat na young actor.

Kung minsan nga ay nagtatampo na kay Karla ang iba nitong kaibigan na gustong kunin ang kanyang pa-nganay sa mga provincial shows, wala nga kasi itong maibigay na schedule, ang humahawak nu’n ay ang Star Magic kung saan nakakontrata ang sikat na heartthrob.

Nu’ng isang araw ay pumirma naman ng kontrata sa Star Cinema si Daniel Padilla, maraming nakaplanong pelikula ang produksiyon ng ABS-CBN para sa kanila ni Kathryn Bernardo, sila ang pinakamabentang tambalan ngayon sa hanay ng mga teenstars.

Sa kabila ng kanyang katanyagan ay hindi apektado si Daniel, siya pa rin ang dating si DJ na napakasimple at walang kahangin-hangin sa ulo at katawan, maganda siyang ehemplo sa mga kabataan.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending