Dennis sa pagpatol sa malalanding babae: OK lang, basta huwag ka lang mapariwara! | Bandera

Dennis sa pagpatol sa malalanding babae: OK lang, basta huwag ka lang mapariwara!

Ervin Santiago |August 30,2014
facebook
share this

Dennis sa pagpatol sa malalanding babae: OK lang, basta huwag ka lang mapariwara!

Ervin Santiago - August 30, 2014 - 03:00 AM


Mahigit two years nang single ngayon ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo at wala pa rin daw siyang dine-date nang exclusive hanggang ngayon.

Sa pocket presscon na  ibinigay ng GMA 7 para sa aktor at sa bago niyang leading lady para sa bago niyang teleserye sa Kapuso network, ang Hiram Na Alaala, sinabi ni Dennis na lumalabas naman siya paminsan-minsan kasama ang kanyang mga kaibigan, at nae-enjoy naman daw niya ang buhay kahit wala siyang dyowa.

Natanong kay Dennis kung posible bang ma-in love din siya kay Kris Bernal dahil nga may history siya na nagi-ging karelasyon ang mga nagi-ging partner niya sa mga teleserye.

Single na rin ngayon si Kris dahil kaka-break lang nila ni Carl Guevara. At very vocal din ang dalaga na talagang crush na crush niya si Dennis. “Puwede, pero kung talagang gagawin ko yun, kung tutuluyan ko, hindi muna kasi nga bata.

At hindi naman yun ang main purpose ko para dito sa show. Ang objective namin ay pagandahin yung show,” tugon ni Dennis.
May chika na sa mga intimate scenes nila ni Kris na nakunan na para sa Hiram na Alaalala ay hindi raw makahi-nga ang aktres dahil sa sobrang nerbiyos, “Eksena yun nu’ng tinulungan ko siyang makatakas sa ospital.

Meron kaming tinalon na isang mataas na lugar. Hindi ko alam kung bakit (sobrang conscious). Baka nanibago lang siya,” chika ng binata. Humirit kami sa kanya kung kakagatin ba niya kung si Kris na ang magpakita ng motibo? “E, ayaw ko naman magsamantala.

Pero kung siya ang magpapakita ng motibo, isikreto na lang natin. Sa amin na lang dalawa. Secret na lang,” sey ng Kapuso actor.
Isa pang hirit namin, kung may mga babaeng nakikipag-flirt sa kanya pinapatulan ba niya? “Kahit sino namang lalaki si-guro, kapag magpakita ng motibo yung babaeng kursunada niya, medyo mahihirapan nang kaunti.

Pero depende yun sa pagkokontrol mo. Or kung hahayaan mo yung sitwasyon, siguraduhin mo na hindi ka mapapariwara.”
Pero aniya, mas exciting daw kung siya ang hahabol sa babae, “Siyempre, mas may challenge.

Meron kang goal na kailangan ma-achieve.”  Samantala, muling sasabak sa heavy drama si Dennis ma-tapos ang phenomenal hit series nila ni Tom Rodriguez na My Husband’s Lover with Carla Abellana.

Gagampanan niya ang karakter ni Ivan Legaspi na  isang sundalong mapapalitan ang buong pagkatao matapos sumabak sa giyera at ma-torture ng mga kalaban.

Makakasama nila ni Kris dito sina Rocco Nacino at Lauren Young, sa direksiyon ni Dominic Zapata. Magsisimula na ang Hiram Na Alaala ngayong September sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to dennis trillo official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending