Enchong niyayang pakasal ng fan, binigyan ng singsing | Bandera

Enchong niyayang pakasal ng fan, binigyan ng singsing

Ervin Santiago |August 29,2014
facebook
share this

Enchong niyayang pakasal ng fan, binigyan ng singsing

Ervin Santiago - August 29, 2014 - 03:00 AM

ENCHONG DEE

IBINANDERA ng Kapamilya actor na si Enchong Dee na nakatanggap siya ng isang engagement ring mula sa isang fan.

Sa kanyang Instagram account, ipinakita ni Enchong ang singsing na ipinadala sa kanya ng isang nagngangalang Nikki Savet, na taga-Vienna, Austria. Kamakailan ay nagtungo ang aktor sa nasabing bansa para sa series of shows ng ilang Star Magic talents doon.

Ang nasabing engagement ring ay nasa loob ng isang sulat. Dito mababasa ang mahabang litanya ng nasabing foreigner kung gaano niya kamahal si Enchong.

Sey ng aktor, maaaring ang nasabing Austrian ay isa sa mga nakapanood ng show nila sa Vienna ilang linggo na ang nakararaan. Wala pa raw siyang naiisip gawin kung paano niya sasagutin ang nasabing “wedding proposal”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending