Carla tumanggi sa ice bucket challenge; na-shock sa sakit na ALS | Bandera

Carla tumanggi sa ice bucket challenge; na-shock sa sakit na ALS

Alex Brosas |August 29,2014
facebook
share this

Carla tumanggi sa ice bucket challenge; na-shock sa sakit na ALS

Alex Brosas - August 29, 2014 - 03:00 AM

CARLA ABELLANA

EXCLUSIVELY dating, ‘yan ang naging pag-amin ni Carla Abellana sa TV when asked kung nasaang level na sila ni Tom Rodriguez.

Sabi ni Carla, nakapag-dinner date na sila ni Tom kasama ang mommy niya, auntie and a sister. But she maintains that they have not dated na silang dalawa lang dahil sa kakulangan sa oras.

Nauna nang nagpahayag si Tom na nililigawan niya si Carla. The actor said na unti-unti siyang na-develop kay Carla after doing some shows together. Sey naman ni Carla, idinadaan ni Tom sa pagbibigay ng flowers, poems at songs ang panliligaw nito.

They both denied, of course, na isang malaking gimik lang para sa soap opera nila ang ligawan isyung ito.

Meanwhile, there is some sense in Carla Abellana’s explanation kung bakit siya tumanggi sa ALS ice bucket challenge nang i-nominate siya ni Louise delos Reyes.

When she posted a message, very enlightening ito dahil meron pala siyang alam about the dreaded disease. Unlike many other celebrities na walang kaalam-alam kung ano ang ALS, nag-share si Carla ng kanyang konting nalalaman about the disease.

“Maraming salamat sa pag-nominate @lou_delosreyes. Gustuhin ko man gawin ang #icebucketchallenge eh araw-araw akong may taping at sa taping eh kasama ako sa lahat ng eksena. Wala pa akong oras. Pero tingnan natin, baka may mag milagro at magkaron ako ng libreng oras para gawin yun. Sana sapat na muna ang $100 at higit sa lahat ay matuto kung ano ba talaga ang ALS.

“Natutunan ko na ang simpleng pag-angat ng tinidor para sa atin ay parang 10-pounds para sa mga may ALS. Isa pa, hindi sila nakakatikim ng pagkain. Wala silang panlasa. Marami pa. Kaya sana nga magkaron na ng lunas para dito,” tweet ni Carla.

‘Yan ang lamang ni Carla sa ibang mga celebrities, she’s a thinking actress, a wide reader. That’s no wonder since she’s a cum laude in college, ‘no!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending