Boy Abunda namayat nang todo matapos maoperahan | Bandera

Boy Abunda namayat nang todo matapos maoperahan

Julie Bonifacio |August 29,2014
facebook
share this

Boy Abunda namayat nang todo matapos maoperahan

Julie Bonifacio - August 29, 2014 - 03:00 AM

BOY ABUNDA

Parehong nawawala sa primetime talk program nila sina Kris Aquino at Boy Abunda. Two weeks ago pa wala si Kuya Boy sa show dahil nga sa kanyang karamdaman. Pero nagpapagaling na raw ngayon ang TV host sa kanilang tahanan. And last Tuesday, pati si Kris ay nagkasakit din.

Pinalitan sila ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. In fairness, ang lakas talaga ng magkapatid sa Kapamilya network. Left and right kasi ang mga programa nila, huh!

Anyway, nabalitaan namin na pumayat daw si Kuya Boy after his operation. Umabot daw sa 20 pounds ang nawalang timbang sa kanya. Pero ngayon, unti-unti na siyang nagkakagana sa pagkain.

Mahigit isang linggo nagpahinga si Kuya Boy sa kanyang resthouse sa Tagaytay. At ang latest na nabalitaan namin ay bumabalik na rin daw kahit paano ang sigla at laki ng kanyang katawan.

Any moment ay baka biglain na lang ni Kuya Boy ang televiewers at bumalik na pala siya on TV. Abangan na lang natin sa Sunday kung uunahin ba niyang magpakita sa televiewers sa The Buzz or next week sa Aquino & Abunda Tonight.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending