HOROSCOPE, August 28, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, August 28, 2014

Madam Sophia |August 28,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, August 28, 2014

Madam Sophia - August 28, 2014 - 01:46 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Mangingibabaw ang iyong sarili sa araw na ito. Ikaw ang magiging pinakamagaling. Gamitin ang karisma at husay sa pagsasalita upang magkapera. Sa ganyang paraan mas madali kang yayaman Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Yellow at pink ang buenas.
 Aries – (Marso 21-April 19) — Mabilis na pagbabago sa takbo ng buhay ang magaganap, magugulat ka dahil sa araw na ito yong mga problema at dating kamalasan ay biglang magiging isang malaking oportyunidad upang ikaw ay suwertehin sa buhay. Mapalad ang 3, 15, 21, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Lilac at beige ang buenas.
 Taurus – (April 20-May 20) — Bagong kortina ang dapat ikabit sa inyong bahay. Tiyaking ito ay may disenyong bulaklakin, guhitan o kaya’y bilog-bilog. Ang mga hugis na ito ang hahatak ng maraming pera at masayang pag-ibig. Mapalad ang 3, 17, 2, 18, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” Violet at red ang buenas.
 Gemini – (May 21-June 21) — Kung nais magtuluy-tuloy ang suwerte sa larangan ng pag-ibig at aspetong pang materyal, ituloy ang pagsusuot ng silver na singsing. Upang lalo ka pang suwertehin, lagi mong punasan ang silver na singsing para laging makislap at kumikinang. Mapalad ang 7, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Kuru-Om.” Bukod sa silver ang white ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa sariling diskarte at pagsisikap magagawa mo ring umunlad. Mapalad ka sa kaibigang Capricorn at Virgo, sila ang tutulong sa iyo upang ganap mong maipakita sa lipunang iyong ginagawalan ang kakaiba mong talent at skill. Mapalad ang 2, 7, 22, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Uso ang sakit. Umiwas makipagdaldalan sa mga taong mataas na payat, sila ang may dalang mikrobyo. Laging magsuot ng cotton na damit upang hindi matuyuan ng pawis. Sa pag-ibig, lalakas ang immune system kung laging makikipag-date sa kasuyong Aries. Mapalad ang 1, 4, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yantra-Migeta-Om.” Gold at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — May malaking tagumpay na makakamit. Sundan pa ng sundan ang mga gawaing napagtagumpayan upang tuluy-tuloy ng umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, tuloy ang maalab na relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Beige at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kangkong, malunggay, saluyot, okra at iba pang berdeng gulay ang dapat mong kainin sa araw na ito. Nakatipid ka na, mas lalo pang gaganda at se-seksi ang iyong pangangatawan. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Harim-Haram-Om”. Blue at apple green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Kung patuloy pa rin ang bayo ng kamalasan, mas mabuting ilipat ang pinto sa silangan. Kapag nagawa mo iyan, tiyak ang magaganap, may masayang pag-ibig na darating at malaking halaga ng salapi ang matatanggap. Mapalad ang 7, 17, 29, 39, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sarvasaya-Jivanna.” Red at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Upang mas mabilis na lumago ang kabuhayan, pumunta sa kapatagan at sa lugar na maraming tao, hindi dapat manatili sa liblib at tahimik na lugar. Sa pag-ibig, iwasan muna ang seryosong relasyon ipriority ang mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 12, 22, 38, 40 at 46.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Iba’t-ibang intriga ang masasagupa, lumayo sa kasamang pandak at pahaba ang hugis ng mukha, siya ang magpapahamak sa iyo. Magdidikit sa kaibigang bilugan ang mukha. Siya ang magbibigay ng suwerte at masayang pag-ibig. Mapalad ang 5, 8, 32, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna.” Gold at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Tugtuging nakaka-aliw at iba pang nakaka-entertain na bagay ang dapat pag-ukulan ng panahon. Kailangang maglibang bago tuluyang igupo ng kalungkutan. Sa pag-ibig, makipagkita sa isang kabigang Virgo. Mapalad ang 4, 18, 27, 31, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Om-Dosha.” Red at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag asahang manalo sa lotto. Magpatulo ka ng pawis at matutong magsikap upang mas mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, kung kasama mo ang kasuyong Cancer, hindi naman masama kung minsan-minsang tataya sa lotto, lalo na pag pasok ng buwan ng Setyembre. Mapalad ang 4, 18, 29, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Gorocha-Sandapha-Om” Green at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending