Dennis Roldan itutuloy ang laban kahit nakakulong na | Bandera

Dennis Roldan itutuloy ang laban kahit nakakulong na

Ambet Nabus |August 28,2014
facebook
share this

Dennis Roldan itutuloy ang laban kahit nakakulong na

Ambet Nabus - August 28, 2014 - 03:00 AM


Matindi rin ang dinaraanang pagsubok ng pamilya ni Dennis Roldan (Mitchell Gumabao in real life) na kamakailan nga lang ay muling nagbalik-showbiz – kasali siya sa GMA TeleBabad na My Destiny.

Sa desisyon ng Pasig City Regional Trial Court, guilty ang aktor sa kasong pagkidnap sa isang batang Filipino-Chinese noong 2005. Reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang parusa rito.

Taong 2005, matatandaang inaresto at nakulong sa Pasig City Jail ang aktor at iba pang kapwa-akusado sa krimen pero dahil sa pinayagan itong makapagpiyansa ng halos kalahating milyon noong 2006, ito nga ay pansamantalang nakalaya.

Bago pa man nakabalik telebisyon si Roldan, naging aktibo ito sa pagiging pastor sa kulungan, ito rin ‘yung panahong pumasok na sa showbiz ang mga anak niyang sina Marco at Michelle Gumabao (isa sa mga dating housemates sa katatapos lang na PBB All In at star player ng volleyball team ng  La Salle).

Buong-buo pa rin ang suporta kay Dennis ng kanyang pamilya na nakatakdang iapela ang kaso sa Court of Appeals.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending