Binoe hiyang-hiya nang hamunin ni Kathryn | Bandera

Binoe hiyang-hiya nang hamunin ni Kathryn

Ervin Santiago |August 28,2014
facebook
share this

Binoe hiyang-hiya nang hamunin ni Kathryn

Ervin Santiago - August 28, 2014 - 03:00 AM


Napilitan lang pala na sumabak sa ice bucket challenge ang host ng bagong season ng Talentadong Pinoy ng TV5, si Robin Padilla. Ayaw sanang patulan ni Binoe ang hamon sa kanya na magpabuhos ng yelo at malamig na tubig sa ulo dahil naniniwala siya na pwede naman silang mag-donate sa ALS organization na nakabase sa Amerika nang hindi na ginagawa ang nasabing challenge.

Pero sey ng TV host-actor, nakaramdam siya ng hiya nang mabasa at mapanood ang pag-nominate sa kanya at sa asawang si Mariel Rodriguez nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Aniya, kung si Daniel lang daw ang naghamon sa kanya ay kaya pa niyang palagpasin, pero dahil nga si Kathryn na ang nag-nominate sa kanila ni Mariel para gawin ang challenge, napilitan na siyang gawin ito.

Sa isang interview, sinabi kay Robin na dapat daw ay ibang tao ang nagbuhos ng yelo sa kanila ni Mariel, hindi ‘yung sarili lang nila. Pero anang action star, okay na rin daw ‘yung sila na lang para iwas aksidente na rin.

May napanood daw kasi si Robin sa internet na may nakuryente dahil sa nasabing challenge. Samantala, nagpapasalamat naman sina Binoe at Mariel sa mga tumututok sa Talentadong Pinoy tuwing Sabado ng gabi.

Tuwang-tuwa sila dahil maganda ang rehistro sa ratings game ng kanilang reality talent show sa TV5. In fairness, tanggap na tanggap ng manonood ang mag-asawa bilang kapalit ni Ryan Agoncillo sa Talentadong Pinoy.

Swak na swak daw ang dalawa sa programa kaya mas lalo itong naging kaabang-abang. Bukod pa diyan ang mas exciting, kakaiba at mas kapana-panabik na production numbers ng mga contestants.

Hindi nga nagkamali ang mga bossing ng TV5 na sina Robin at Mariel, kasama pa si Tuesday Vargas ang kuning hosts ng Talentadong Pinoy 2014 na napapanood tuwing Sabado, 7 p.m.

Kasama rin sa show bilang talent scouts sina Alice Dixson, John Lapus at TV5 princess Jasmine Curtis.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending