Nash Aguas, Alexa Ilacad bibida sa bagong Wansapanataym | Bandera

Nash Aguas, Alexa Ilacad bibida sa bagong Wansapanataym

Ervin Santiago |August 28,2014
facebook
share this

Nash Aguas, Alexa Ilacad bibida sa bagong Wansapanataym

Ervin Santiago - August 28, 2014 - 03:00 AM


PERFECT treat para sa buong pamilya ang handog ng Wansapanataym ngayong Sabado at Linggo (Agosto 30 at 31) sa pagbubukas ng bagong month-long special nito na pinamagatang Perfecto.

Pagbibidahan ito ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas, Alexa Ilacad, na sinasabing pwedeng-pwedeng sumunod sa yapak ng Teen King and Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kasama pa ang sumisikat na boy group ng ASAP 19 na Gimme 5. Sa Wansapanataym Presents Perfecto ay gagampanan ni Nash ang karakter ni Perry, isang binatilyong walang ibang hangarin kundi ang maging perpekto para sa kanyang ina at sa kanyang hinahangaan na si Kylie (Alexa).

Dahil sa kanyang mga kahinaan, determinado si Perry na gawin ang lahat ng paraan para maabot ang kanyang pangarap.
Ano ang kayang isakripisyo ni Perry kapalit ng hinahangad niyang perpektong buhay?

Ano-ano ang mga kailangang niyang pagdaanan upang matutunan na mas mahalaga ang kagandahan ng kanyang kalooban kaysa sa lahat ng karangyaan?

Bahagi rin nito sina Matet de Leon, Vandolph Quizon, Candy Pangilinan at ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina John Bermundo, Joaquin Reyes, Brace Arquiza at Grae Fernandez.

Ito ay sa panulat ni Joel Mercado at as direksyon ni Onat Diaz. Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television, ang original storybook ng batang Pinoy na Wansapanataym ay ang longest-running at most-awarded fantasy-drama anthology ng ABS-CBN.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng Wansapanataym Presents Perfecto ngayong Sabado, 7:15 p.m. after Home Sweetie Home, at Linggo, 7 p.m. after Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending