Chiz, Dingdong nadadamay sa giyerang Heart-Marian | Bandera

Chiz, Dingdong nadadamay sa giyerang Heart-Marian

Cristy Fermin |August 27,2014
facebook
share this

Chiz, Dingdong nadadamay sa giyerang Heart-Marian

Cristy Fermin - August 27, 2014 - 03:00 AM


Matindi talaga ang parunggitan ng mga tagasuporta nina Marian Rivera at Heart Evangelista.  Pati ba naman sa pag-aanunsiyo tungkol sa plano nilang pagpapakasal ay meron pang matinding isyu?

Matindi raw talaga ang inggit ni Heart kay Marian, sabi ng mga tagahanga ng dalaga, hindi na raw nakapaghintay pa si Heart nang mahaba-habang panahon bago nag-announce.

Agad-agad daw ‘yun at dikit na dikit sa ginawang marriage proposal ni Dingdong Dantes sa kanyang kasintahan. Nilinaw ng isang kaibigan namin na kung maagang napawalang-bisa ang church wedding ni Senator Chiz Escudero kay Christine na ina ng kambal ng mambabatas ay baka mas nauna pang nag-propose si Senator Chiz kesa kay Dingdong.

Taong 2012 nang ma-annul ang kasal nila sa huwes, ‘yung sa simbahan naman ay kailan lang napawalang-bisa, kaya ngayon lang nakapag-propose ang senador kay Heart.

“Hindi nainggit si Heart kay Marian, walang ganu’ng kuwento, naghintay lang talaga si Senator Chiz na ma-annul ang kasal nila ng mommy ng mga anak niya.

“Kung napaaga ang paglabas ng mga documents ng annulment, mas maaga pa sanang nag-propose si Senator Chiz kesa kay Dingdong,” pag-uulit ng aming source.

Pati ba naman sa paglagay sa tahimik ay meron pa ring isyu? Ano ‘yun, dahil sa sobrang inggit, basta-basta magpapakasal na lang ang magkarelasyon?

Sana’y huwag nang lagyan pa ng kulay ang pagpapakasal nina Marian at Heart, ang mahalaga ay maligaya sila sa mga lalaking nanindigan sa kanilang dalawa, ‘yun lang.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending