HOROSCOPE, August 27, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, August 27, 2014

Madam Sophia |August 27,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, August 27, 2014

Madam Sophia - August 27, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Panahon ngayon ng mga Virgo, kaya panahon mo rin. Sa pinansiyal, tatabong bigla ng malaking halaga sa isang dati ng source of income. Sa pag-ibig, mamayang gabi ay may magaganap na sopresang romansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Aum.” Silver at purple ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Huwag masyadong madaldal upang hindi ka mapahamak. Isarado ang bibig at manahimik. Kapag tahimik ka lang ay mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, tuloy ang pabugso-bugsong kikipagrelasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 3, 9, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Visnu-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—May babala ng karamdaman. Mag-request sa kasuyo ng pagkaing kulay puti, malambot, mainit ang sabaw at masarap higupin! Sa panahon  ito ng karamdaman, tama ang iniisip mong napakahalaga ng maraming ipong pera. Mapalad ang 6, 9, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Red at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Hindi pupuwedeng isip lang nang isip, ang mas mahalaga maipatupad mo ang iyong iniisip upang mas mabilis kang umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, i-text o tawagan ang iyong kasuyong Libra, nami-miss ka na niya. Mapalad ang 5, 9, 23, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Beige at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Huwag pansinin ang mga taong nagkakalat ng kung ano-anong balita na hindi naman totoo. Ituloy mo lang ang iyong ginagawa, ano ba ang pakialam nila sa sarili mong buhay? Sa panahong ito, iisa lang ang tunay na kakampi mo – ang kasuyong Scorpio. Mapalad ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Aroha-Om.” Black at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Mga bagay na imposibleng maganap ang kusang mangyayari! Biglang madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, ang isang tao na pinapangarap mong makasama, walang ano-ano ay bigla mong makakarelasyon. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Orange at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Higit sa iyong inaasahan ang dating ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig, lalong mapupospos ng ligaya ang bawat araw. Sa pinansyal, tuluy-tuloy na dadami at lalago ang income. Mapalad ang 1, 5, 19, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Unti-unting matutupad ang mga pangarap, ngunit maraming kumplikadong bagay ang magaganap. Iwasan muna ang lipunan upang magkaroon ng payapang isip at kampanteng buhay.  Mapalad ang 3, 12, 21, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Dosya-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Kung hindi maglulubay sa mga maling ginagawa ay lalo kang mapapahamak. Magbago ng landas. Iiwasang mandaya upang mas madali kang umasenso. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 2, 7, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gopalago-Gayatri-Om.” White at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Init ang kailangan upang suwertehin at lumigaya. Sa pag-ibig, romansahin nang romansahin ang kasuyo hanggang mag-init ang katawan. Sa pinansyal, sa kalakal na may kaugnayan sa apoy at init ay malaking halaga ang kikitain. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pag-ibig, ipagdadamot na naman ng kasuyo ang kanyang oras. Magpasensiya ka na lang, talagang ganoon, may topak na naman siya ngayon. Sa pinansyal, hindi mauubos ang salapi, matuto kang mamigay. Mapalad ang 5, 14, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Rebus-Durate.” Silver at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Pagpasensiyahan ang kasuyo, darating ang panahong magiging matino at bubuti rin siya. Sa pinansyal, wala talagang ibang maasahan kundi ang sarili mo. Dagdagan pa ang pagsisipag upang umunlad. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Huwag hayaang mamatay ang sigasig, ipatupad ang anumang binabalak bago mahuli ang lahat. Sa pag-ibig, huwag kang kukupad-kupad baka tamarin ang iyong kasuyo. Sa pinansyal, ngayon na ang pagkakataon upang yumaman – itodo na ang pagsisipag. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Silver at green at  ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending