Cris Villonco sa pagiging GMA kontrabida: Aarte pa ba ko!? | Bandera

Cris Villonco sa pagiging GMA kontrabida: Aarte pa ba ko!?

Ervin Santiago |August 27,2014
facebook
share this

Cris Villonco sa pagiging GMA kontrabida: Aarte pa ba ko!?

Ervin Santiago - August 27, 2014 - 03:00 AM


Hindi na nag-inarte pa ang theater actress at ang Best Supporting Actress sa nakaraang 2014 Cinemalaya Film Festival (para sa Hari Ng Tondo) na si Cris Villonco – tinanggap agad niya ang kontrabida role sa latest fantaserye ng GMA na Ang Lihim Ni Annasandra.

Nakachika namin kahapon si Cris sa pocket presscon na ibinigay ng GMA sa supporting cast ng teleserye, at dito nga niya inamin na matagal na niyang gustong mag-soap opera.

“Kaya nu’ng in-offer sa akin ng GMA itong Lihim Ni Annasandra, go agad! Sabi ko this is it, kasi I’d been wanting to try soap opera. So, when this came, wala nang arte-arte. At ang challenging dito, kontrabida agad ako.

Ibang-iba naman ito sa ginagawa ko sa teatro, like sa huling musical stage play namin ni Christian Bautista na ‘Ghost’. “Okay lang sa akin, kahit kontrabida agad, kasi for me, ang trabaho ay trabaho, and this is something na hindi ko pa nagagawa.

Kaya go lang nang go! Sabi ko nga, nagbunga na ang pagpaparinig ko! Ha-hahaha! Kasi for the longest time, feeling ko game na game na ako sa mga soap opera,” sey pa ni Cris na pipilitin talagang maging effective kontrabida kay Andrea Torres, ang leading lady nga ni Mikael Daez sa Ang Lihim Ni Annasandra.

Siya ang gaganap bilang Lorraine Armada, ang mayaman at sopistikadang image model ng isang surgical center at makakaagaw ni Andrea kay Mikael.

Sabi pa ng dalaga, sana raw ay mapantayan kung hindi man niya mahigitan ang pagiging magaling na kontrabida ng kanyang lola na si Armida Suiguion Reyna.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Cris sa pagkakapanalo niyang Best Supporting Actress sa 10th Cinemalaya filmfest, “With that award, I’m humbled talaga, na sa akin ‘yun ibinigay, na sunud-sunod ang blessings na dumarating sa akin.

Kaya I always pray na sana tuluy-tuloy na, at ginagawa ko ang lahat para hindi na mawala ‘yung mga dumarating na blessings.”

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending