Nanay ni Sarah mas type ang lalaking mayaman kahit chaka | Bandera

Nanay ni Sarah mas type ang lalaking mayaman kahit chaka

Alex Brosas |August 26,2014
facebook
share this

Nanay ni Sarah mas type ang lalaking mayaman kahit chaka

Alex Brosas - August 26, 2014 - 03:00 AM


Breaking her silence on her rumored pakikialam sa mga activities ng kanyang anak na si Sarah Geronimo including her pakikipagrelasyon, nagsalita na si Mommy Divine para idepensa ang sarili niya.

“Ganito kasi ang panuntunan namin sa buhay, na hinding-hindi namin gagawin na sabihin sa kanya na ‘Ito ang gusto ko para sa iyo.’ Hindi… ayaw namin ng ganun. Pinapayuhan namin siya.

Sasabihin namin, ‘Anak, ganito… Ganyan siya. Pero kung anong gusto mo ay ikaw pa rin ang masusunod,’” paliwanag ni Mommy Divine sa isang interview.

At ‘yung tungkol naman sa pakikialam niya sa mga nakakarelasyon ni Sarah ay ito naman ang kanyang paliwanag, “Lagi lang naming sinasabi na sana ‘yung lalaking pipiliin niya ay ‘yung masasandalan niya hamabuhay.

Emotionally ay matuturuan siya kung saan talaga dadalhin ang emosyon, para sa ikabubuti ang emosyon. Hindi ‘yung puro emosyon na lang. Pakonswelo na lang ang pisikal, ang appearance.”

Kung ganoon naman pala, eh, saan nanggagaling ang mga kuwento ng pagrerebelde ni Sarah? Nasulat recently na nagkulong sa kuwarto ang dalaga at hindi kumain ng ilang araw dahil hindi siya pinayagang makasama si Matteo Guidicelli sa isang event. Ano ‘yon, inimbento lang?

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending