Sigaw ng fans ni Marian: Heart sobrang inggitera, gaya-gaya! | Bandera

Sigaw ng fans ni Marian: Heart sobrang inggitera, gaya-gaya!

Alex Brosas |August 26,2014
facebook
share this

Sigaw ng fans ni Marian: Heart sobrang inggitera, gaya-gaya!

Alex Brosas - August 26, 2014 - 03:00 AM


KUNG pikon si Heart Evangelista ay tiyak na asar-talo siya sa mga comments sa social media about Sen. Chiz Escudero’s  wedding proposal to her.

Mas lamang kasi ang pang-aasar ng mga nag-comment and as expected, she was compared to her nemesis Marian Rivera.
Ang say ng marami, gaya-gaya lang ang peg ni Heart.

Many observed kasi the very obvious similarities ng kanilang wedding proposal. Una, it happened this month. Second, Heart was given two rings, one is a heart-shaped one.

Pangatlo, the proposal happened on a Saturday, two weeks before the much-talked about Marian-Dingdong engagement.
“Hala! Hahaha! Natawa tlaga ako nang nabalitaan ko to parang bata lang ano ba yan.

Hahahaha…pati araw ng proposal ginaya rin, remember SATURDAY yung proposal ni Dingdong, tapos sila rin SATURDAY. Not to mention na within the same month pa.

Pwede pa sana kung the same year pero same month and same day? LOL na lang. I will not vote for Chiz. sayang gustong gusto ko pa nman sya dati.. pero nakabawas tlaga to sa kanya OMG.”

“Alam na this! Ahaha naipush talaga ni Heart. kailan ang kasal? december 30 din? Ahahaha.” “Hahahahaha! Nagparinig na siguro kaya napilitan na ang lolo Chiz. Sa totoo lang sobra ang inggit ng babaeng ito sa katawan niya. Tsk tsk!”

“So december din ba ang wedding??? Gaya-gaya much. Nkkipagsabayan tlga sya ah.. lets just wait kung cno mas bongga ang wedding. Lol” Hindi ba’t nakakaloka ang mga comments na ‘yan?

But wait, meron din namang nakakita ng true essence of Sen. Chiz’s proposal and said, “I’m not a fan of Heart, pero mas gusto ko yung ganitong proposal..para kasing commercialized masyado yung kay DongYan. pero I still like Marian compared to Heart.”

Napaka-sweet ng naman daddy ni Heart Evangelista. Aware na nag-propose na si Sen. Chiz Escudero sa kanyang anak noong Saturday, kaagad na nag-text ang daddy ni Heart na si Rey para batiin ang dalawa.

“Always be happy heart love you!” ang message nito na ipinost naman ni Heart sa kanyang Instagram account. Marami ang nag-react na followers ng dalaga.

Meron din nam-bash at sinabing gaya-gaya lang ito kay Marian Rivera dahil kamakailan ay nag-propose din si Dingdong Dantes.

“Bat ba kailangan niyo isabong sina heart at marian. di hamak nman na mas totoo yung proposal ni chiz kesa nun kay dingdong. san ka nakakita ng dalawang engagement. multiple wedding cguro. di ako hater ni marian. pero nakakainis yung di nalang maging maligaya sa mga tao na ikakasal na at nakita na nila ang true love nila,” an avid Heart fan said.

Merong nagsabing pasikat lang daw ang proposal ni Chiz kay Heart at wala itong blessing ng mother ng aktres na kaagad namang sinagot ng isang fan ng ganito, “God has time. Maaayos din ang lahat between sa fam niya besides almost okay na nga sila. Huh?

Nagpapasikat ba yun? E tahimik nga lang ang proposal nila unlike someone I know na scripted yung proposal.” Naku, tila hindi matatapos ang bangayan ng mga fans nina Marian at Heart.

Ayaw patalbog ng isa’t isa, ha. Mukhang hindi na magkakabati ang dalawang aktres kahit na ikasal pa sila sa kani-kanilang dyowa.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending