Derek tinakong sa mukha ng ex-wife | Bandera

Derek tinakong sa mukha ng ex-wife

Cristy Fermin |August 23,2014
facebook
share this

Derek tinakong sa mukha ng ex-wife

Cristy Fermin - August 23, 2014 - 03:00 AM


Maginoo na ay organisado pa ang takbo ng buhay ni Derek Ramsay. Kahit ang mga nakakatrabaho niya ay saludo sa pagiging masinop ng guwapong hunk actor sa kanyang mga taping.

Meron siyang PA, pero personal niyang isinisinop ang kanyang mga gamit, malinis ang kanyang dressing room-waiting area dahil siya mismo ang namamahala sa mga kagamitan niya.

Ang pagiging organisado ni Derek ay napakinabangan niya ngayon sa kasong isinampa laban sa kanya ni Mary Christine Jolly, ang babaeng pinakasalan niya nu’ng taong 2002, pero hindi nakasama nang matagalan.

Sa akusasyon ng babae na naging iresponsable siya sa kanilang anak na si Austin Gabriel ay nakapagsumite ng mga ebidensiya si Derek, mula nu’ng 2011 nang madiskubre niyang meron pala silang naging anak ni Christine, umaabot na sa walong milyong piso ang naibibigay niyang sustento sa bata.

Ang pagiging oraganisado ni Derek ang nagsalba sa kanya sa bintang, maayos palang itinatago ng hunk actor ang mga patunay ng kanyang pagpapadala sa anak nila ni Christine, napakalaking tulong nu’n sa kasong pinagdadaanan niya ngayon.

At dahil nakilala siyang marespeto at maginoo ay parang walang naniwala sa mga kuwento ng babae sa kanyang sinumpaang-salaysay, hindi nananakit si Derek, sa kanyang affidavit ay sinabi ng aktor na siya pa nga ang tinakong ng sapatos sa mukha ng ina ng kanyang anak nu’ng minsan sa harap ng kanilang mga kaibigan mismo.

Ang tanong ngayon ng kampo ni Derek Ramsay, napupunta naman kaya sa mga pangangailangan ng kanyang anak ang ipinadadala niyang sustento, ano sa palagay n’yo?

( Photo credit to derek ramsay official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending