KC: Napakahirap pong magpapayat! | Bandera

KC: Napakahirap pong magpapayat!

Ervin Santiago |August 23,2014
facebook
share this

KC: Napakahirap pong magpapayat!

Ervin Santiago - August 23, 2014 - 03:00 AM


NAGPAPASALAMAT si KC Concepcion kay Judy Ann Santos sa pag-alalay nito sa kanyang Megastar mom na si Sharon Cuneta na dumadaan ngayon sa midlife crisis na sanhi nga ng kanyang sobrang depresyon at kalungkutan.

Ayon kay KC, napakalaki ng tulong ni Juday para mabawasan ang mga dinadalang problema ngayon ng kanyang ina na kamakailan nga ay umaming napabayaan niya ang kanyang sarili kaya siya tumaba nang tumaba.

Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit bumaba ang pagtingin niya sa kanyang sarili. “Her struggle to get back in shape is a long process, hindi naman ganu’n kadaling magpapayat, to be honest,” sey ni KC sa panayam ng ABS-CBN.

Dagdag ng TV host-actress, “Kaya nga I’m very thankful that Ate Juday has always been there for my mom,” she added. “Sincere siya sa friendships niya and she’s part of our family.

Like Ate Juday, me, our family, friends and her loyal fans are all behind her 100%. Kaya niya yan!” Tila itinago naman ni Mega ang tunay niyang nararamdaman sa kanyang anak para hindi na ito mag-alala, dahil ayon kay KC, “Nag-uusap kami ni mom and wala naman siyang na-mention sa akin na problem.

Masaya nga ‘yung talk namin sa phone noon.”  “Sa lahat ng ginagawa ng mom ko, she always remembers her fans and wants them to be happy.

It’s her way of saying she has not forgotten about them,” hirit pa ni KC na enjoy na enjoy ngayon sa kanyang karakter bilang si Natalia sa Primetime Bida series na Ikaw Lamang na pinagbibidahan pa rin nina Coco Martin at Kim Chiu.

In fairness, bagay na bagay kay KC ang kanyang role at marami ang nakakapansin na mas gumaling pa siya ngayon bilang aktres. Mukhang nagagamit na niya ang mga napag-aralan niya sa Amerika kung saan kumuha nga siya ng crash course sa acting.

Samantala, sa pagpapatuloy nga ng top-rating master teleserye ng ABS-CBN, tiyak na mas mapapakapit ang viewers sa kwento ng Ikaw Lamang ngayong pinagtagpo na ng tadhana ang mga landas nina Gabriel (Coco), Jacqueline (Kim), at Natalia (KC). Paano magbabago ang takbo ng kanilang buhay kaoag natuklasan na nila ang mga lihim ng nakaraan?

Sa direksyon pa rin nina Malu Sevilla, Manny Palo at Avel Sunpongco, ang Ikaw Lamang ay mula pa rin rin Dreamscape Entertainment at napapanood gabi-gabi, after Hawak Kamay sa ABS-CBN Primetime Bida.

( Photo credit to kc concepcion official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending