Paolo Bediones ayaw nang panoorin sa newscast ng TV5: Nagkakasala lang kami! | Bandera

Paolo Bediones ayaw nang panoorin sa newscast ng TV5: Nagkakasala lang kami!

Cristy Fermin |August 21,2014
facebook
share this

Paolo Bediones ayaw nang panoorin sa newscast ng TV5: Nagkakasala lang kami!

Cristy Fermin - August 21, 2014 - 03:00 AM


Isang arkitektong kaibigan namin ang tumawag, napanood na rin daw nito ang ikalawang bersiyon ng sex video ni Paolo Bediones, ang kopya ay ipinapanood sa kanya ng isa nitong karpintero sa site.

Totoo. Ultimo mga kababayan nating manggagawa ay meron nang kopya ng ikalawang yugto ng pinagpipistahang sex video ng news anchor. Halos lahat naman yata ay meron nang kopya ng ikinamerang pakikipagniig ni Paolo Bediones.

Ang reaksiyon ng kaibigan naming arkitekto, “Mas nangibabaw sa akin ang awa sa babae. Masyado kasi siyang gamit na gamit sa video. Not sexually, given na ‘yun, pero halatang-halata na siya ang isinasalang ni Paolo sa video.

“Nakakaawa ‘yung babae na literal na ginawang sex object lang. Daig pa niya ang acrobat kung ipagbukangkangan ni Paolo ang magkabilang hita, awang-awa ako sa girl sa sex video.

“Hindi parehas ang execution. ‘Yung babae ang palaging pinahaharap sa camera. Sana, pati ang mukha niya!” madiing komento ng kaibigan naming architect.

Pag-uwi ng aming kaibigan ay tiyempo namang ang pambalitaang programa ng TV5 ang natiyempuhan nito, sina Paolo Bediones at Cheryl Cosim ang tagapagbalita, walang ibang nagawa ang aming kaibigan kundi ang patayin na lang ang telebisyon.

“Ayoko na siyang panoorin ngayon, nagkakasala lang ako sa pag-iisip ng kung anu-ano!” komento ng arkitekto.

( Photo credit to paolo bediones official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending