Nagkakatotoo ang inyong sinasabi | Bandera

Nagkakatotoo ang inyong sinasabi

Ramon Tulfo |August 21,2014
facebook
share this

Nagkakatotoo ang inyong sinasabi

Ramon Tulfo - August 21, 2014 - 03:00 AM

NOONG Martes, Aug. 19, ipinagdiwang ng bansa ang ika-136 taon na kapanganakan ng Pangulong Manuel L. Quezon.

Bagama’t siya’y isang dakilang lider ng bansa, hindi siya maingat sa pagbitiw ng salita.

Kung magulo ang ekonomiya at pamamalakad ng ating bansa, sisihin natin si Quezon sa kanyang sinabi na dapat ay bigyan ng independence ang Pilipinas na noon ay isang colony ng America.

“I would rather have a country run like hell by Filipinos rather than one run like heaven by the Americans,” ani Quezon.

Yung mga katagang yun ay naging propesiya, isang sumpa.

Si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, ama ng Pangulong Noynoy, na ipinagdiriwang natin ang kanyang pagkamatay ngayong araw, ay nagbitaw ng mga salita na, kung titingnan natin, ay naging premonition o masamang pangitain.

Di niya siguro alam ang magiging bunga ng kanyang salita.

Sinabi ni Ninoy ilang buwan bago siya binaril sa tarmac ng Manila International Airport, “The Filipino is worth dying for.”

Dapat ay matuto tayo kay Quezon at Ninoy Aquino: Kailangang maging maingat tayo sa pagbitaw ng salita.

qqq

Di ba ninyo napansin na ang mga sinasabi ninyo ay nagkakatotoo kahit na di ninyo sinasadya ang inyong sinasabi?

Ang taong palaging nagsasabi na siya’y magkakasakit, kahit na maganda ang kanyang pakiramdam, ay nagkakasakit?

Ang taong palaging sinasabi na siya’y mayaman, kahit na siya’y nagbibiro, ay nagkakaroon ng maraming pera pagdating ng araw?

Bakit?
Dahil makapangyarihan ang inyong mga salita.

Maaaring di ninyo tinototoo ang inyong sinasabi, pero ang inyong malalim na kamalayan (subconscious mind) ay tinatala ang inyong sinasabi at ginagawang totoo ito.

Hindi alam ng inyong malalim na kaalaman kung kayo’y nagbibiro o nagsasabi ng totoo.

Isang ama na palaging nagkakaroon ng asthma attacks ang kanyang anak ay palaging sinasabi sa kanyang mga kaibigan na ipapalit niya ang kanyang buong braso sa paggaling ng kanyang anak.

Isang araw, nagkaroon siya ng malaking aksidente na kinailangang maputol ang kanyang buong braso.

Mula noon ay nawala ang asthma attacks ng kanyang anak (Salin sa The Power of Your Subconscious Mind ni Joseph Murphy).

Isang tanyag na kolumnista ay nagbitaw ng salita na kapag maganda ang laro niya ng golf ay puwede siyang kunin ng Diyos.

Palagi siyang natatalo, pero isang araw ay maganda ang kanyang laro.

Pinuna siya ng kanyang mga kaibigan sa kanyang magandang laro.

Tumingala sa langit ang kolumnista, itinaas ang kanyang mga kamay, at sumigaw na, “ Lord, kunin mo na ako, kunin mo na ako!”

Bigla siyang natumba, nanginig at namatay doon mismo.

Hindi ko gawa-gawa ang kuwentong yan. Ang tinutukoy ko ay si Lito Catapusan, na pumalit sa inyong lingkod sa Manila Bulletin bilang chief of crime reporters at columnist.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inuulit ko, mag-ingat sa mga salita na bibitawan ninyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending