Bea, Maricar tatalbugan ang sapakan nina Angel at Maja | Bandera

Bea, Maricar tatalbugan ang sapakan nina Angel at Maja

Ervin Santiago |August 21,2014
facebook
share this

Bea, Maricar tatalbugan ang sapakan nina Angel at Maja

Ervin Santiago - August 21, 2014 - 03:00 AM


Kapag umuuwi naman kami ng medyo late na, asahan mong lahat ng dadaanan naming bahay sa aming subdivision ay nakatutok din sa isa pang obra ng Dreamscape Entertainment, ang Sana Bukas Pa ang Kahapon nina Bea Alonzo, Paulo Avelino, Maricar Reyes at Albert Martinez.

Sabi nga ng isang kapitbahay namin, para raw kasi silang naaadik sa bawat episode ng serye, kaya kahit medyo gabi na itong umeere ay talagang inaabangan nila, kesehodang ma-late pa sila sa pagpasok kinabukasan. Kaloka, di ba?

Anyway, nagpatikim naman si Bea ng mga dapat n’yong abangan sa mga susunod na episode ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Aniya, mas marami pang aabangang acting “showdown” nina Rose/Emmanuelle (Bea) at Sasha (Maricar).

Mas matitindi kaya ito sa mga eksena nina Angel Locsin at Maja Salvador sa The Legal Wife? “I heard marami ang nae-excite sa catfights namin ni Sasha (Maricar Reyes).

‘Di ko pwedeng i-share pero ‘yung tini-taping namin ngayon eh, napakaganda at may mga mare-reveal na sa mga taong dapat nakakaalam kung sino ang totoong Rose,” kuwento ni Bea.

Siyempre, abot-langit ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng sumusubaybay sa kanilang programa, “We are all overwhelmed sa ibinibigay na suporta ng mga tao sa aming palabas.

Kasi talagang mismong kami ay nai-inspire habang ginagawa namin. Mismo kami,  fans ng show,” anang aktres.  “Gusto ko ring magpasalamat sa mga taong nagpapa-trend, sa lahat ng fans,” dagdag pa ng tinaguriang Movie Queen ng bagong henerasyon.

Napapanood pa rin ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon pagkatapos ng Ikaw Lamang.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending