Kim Chiu: Gusto ko sana fantasy naman, yung may super power! | Bandera

Kim Chiu: Gusto ko sana fantasy naman, yung may super power!

Ervin Santiago |August 21,2014
facebook
share this

Kim Chiu: Gusto ko sana fantasy naman, yung may super power!

Ervin Santiago - August 21, 2014 - 03:00 AM


KUNG may isang pinapangarap na role sa isang teleserye o pelikula si Kim Chiu, ‘yan ay walang iba kundi ang maging superhero.

Marami-rami na ring nagampanang challenging roles ang Teleserye Princess, at mapadrama man o mapa-romantic-comedy ay talagang nabibigyan ng hustisya ni Kim, with flying colors pa!

Sa isang interview, natanong ang leading lady ni Coco Martin sa nangungunang Primetime Bida series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang, kung ano pa ba ang gusto niyang gampanang role ngayon, sagot ng dalaga, type naman niya ang makasama sa isang fantasy project.

“Yun ang isa sa mga bagay na nilu-look forward ko kasi more on drama, more on iyakan, nag-comedy ako, bago lang. So gusto ko naman i-explore ang mundo ng fantasy,” anang Kapamilya actress.

“Kahit ano basta may supernatural and everything,” hirit pa nito nang tanungin kung superhero movie or TV series ba ang type niyang gawin.

Natatandaan pa namin sa isang previous interview kay Kim, inamin niya na bata pa lang siya ay gustung-gusto na niyang maging sirena, tulad ni Dyesebel, pero agad niyang sinabi na hindi raw siya bagay dito, “Hindi naman bagay sa akin.

Puro bashing lang ang aabutin ko niyan, ‘wag na.”  Feeling namin, dahil ito nga ang dream project ni Kim, malamang pag-isipan itong mabuti ng ABS-CBN at baka sa susunod niyang proyekto ay maging superhero na siya, lalo na ngayong nag-renew na siya ng bagong kontrata sa Kapamilya network.

“I’m very happy na nandito pa rin ako kung saan ako nagsimula, kung saan ako lumabas,” chika ng dalaga na nagsimula nga bilang housemate sa PBB noong 2006.

“Siyempre utang ko sa kanila kung nasaan ako ngayon at kung ano ang narating ko. And I’m very thankful sa lahat ng magagandang project na ibinibigay nila sa akin for eight years plus,” aniya pa sa interview ng ABS-CBN.

Samantala, patuloy pa rin ang paghataw sa rating ng serye nila ni Coco Martin na Ikaw Lamang na napapanood pa rin weekdays pagkatapos ng Hawak Kamay.

Ngayong linggo, mas magiging kaabang-abang mga eksena dahil unti-unti nang lumalabas ang lihim ng nakaraan.Base naman sa mga naririnig naming komento ng viewers, gustung-gusto nila ngayon ang karakter ni Kim bilang si Jacqueline, kumbaga, chillax lang ang emote nito ngayon.

Hindi tulad sa book 1 na ang bigat-bigat at laging umiiyak. Kaabang-abang din ang mga eksena nina Coco at KC Concepcion bilang sina Gabriel at Natalia.

Sa huling eksenang napanood namin sa Ikaw Lamang, mukhang may pagka-suspense drama ang twist sa pagitan ng dalawang karakter kaya ‘yan talaga ang tututukan namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending