Vice Ganda, Kris pataasan na naman ng ihi, wala pa ring kupas ang kayabangan | Bandera

Vice Ganda, Kris pataasan na naman ng ihi, wala pa ring kupas ang kayabangan

Jobert Sucaldito |August 21,2014
facebook
share this

Vice Ganda, Kris pataasan na naman ng ihi, wala pa ring kupas ang kayabangan

Jobert Sucaldito - August 21, 2014 - 03:00 AM


Speaking of Kris Aquino, sila na naman daw ng “asawa” niyang si Vice Ganda ang nag-iingay ngayon as to who will be this year’s MMFF box-office hit – ang “Feng Shui 2” at  “Private Benjamin 2”.

May yabang pang kini-claim ni Vice na kung noong 2012 ay nag-P300 million plus ang movie nilang “Sisterakas” at last year naman ay naka-P460 million daw ang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” ay tiyak daw niyang aabot sa P550 million ang “Private Benjamin 2”.

Natawa ako nang malakas dahil sobrang kayabangan na ito, ha! Iyon lang ba ang isyu niya? Tanungin niya tayo kung maganda ba ang mga pelikulang pinagyayabang niya? Parehong basura!

Kumita nga pero walang mga kuwentang pelikula. Sabi na lang namin, o di siya na. Magsama na sila – bakit hindi na lang sila mag-live in ni Kris, di ba? Tutal “asawa” naman ang tawagan nila. Ha-hahaha! Oo nga, ‘no!

Puwede. Baka magtagal pa sila. Parehong kulang sa pansin at parehong may topak – sa kayabangan. Ha-hahaha!

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending