I-text kay Madam Sophia

By Madam Sophia August 20,2014
share this

I-text kay Madam Sophia

By Madam Sophia August 20,2014
share this

Mula kay Berna ng Dumaguete City.  November 12, 1991 ang birthday ko. Kailan po ba ako susuwertehin sa pera?  
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, sa susunod na taon susuwertehin ka na sa pera at sa larangan ng materyal na bagay.
* * *
Mula kay Annabelle ng Zamboanga City. September 12, 1991. Maikakasal kaya ako this year?  Niyayaya na kasi ako ng boyfriend ko na magpakasal.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, kung ang boyfriend mo ay isinilang sa zodiac sign na Taurus, Capricorn, Libra, Pisces, Gemini o kaya’y kapwa mo Virgo na may birth date na 5, 14, 23, 7, 16, 25, 1, 10, 8, 17, 26, 19, 28, 4, 13, 22, at 31, tiyak ang magaganap – sa taon ding ito makakasal na kayo!
* * *
Mula kay Liya ng Bontoc, Mt. Province. October 12, 1983 ang birthday ko. Ano po ba ang buenas na business para sa akin? Puwede po ba sa akin ang bakery?    
Tugon ni Mamdam Sophia: Tamang-tama sayo ang negosyong bakery. Basta’t ang iyong produkto ay may kaugnayan sa pagkain, siguradong sa nasabing kalakal ka uunlad, yayaman at susuwertehin.
Bukod sa produktonhg pagkain, puwede rin ang lahat ng produktong may kaugnayan sa pagpapaganda at lahat ng kalakal na mabango at may iba’t ibang kulay, tulad ng bulaklak, at iba pang kauring pang-dekorasyon.
Sa nasabing dalawang kalakal ka mag-concentrate upang pagsapit ng taong 2023, mayamang-mayaman ka na.

* * *

Mula kay Jessie Liano ng Metro, Manila. October 30, 1982 ang birthday ko. Makaka-alis po ba ako patungong aboard ngayong taon ito sa inaaplayan kong trabaho sa Saudi?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, tiyak ang magaganap sa taon ito ng 2014 hanggang 2015, makapag-aabroad ka na sa Saudi.
* * *
Mula kay Maries Pasadil ng La Paz, Iloilo City. December 13, 1993 ang birthday ko. Mamahalin din kaya ako ng taong mahal ko?
Tugon ni Madam Sophia: Mamahalin ka rin ng taong mahal mo, kung siya ay isinilang sa zodiac sign na Leo, Aries, Gemini, o kaya’y kapwa mo Sagittarius o kaya naman’y isinilang siya sa buwan ng Mayo, higit lalo kung siya ay may birth date na 9, 18, 27, 6, 15, 3, 12, 21, 30, 5, 14, at 23.

* * *

Mula kay Ruel Tan ng Bulacan. March 11, 1983 ang birthday ko. Makapag-aasawa pa kaya ako at may posibilidad po bang guminhawa ang buhay ko?  
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, upang guminhawa sa buhay, tama ang naiisip mo, mag-asawa ka, dahil hangga’t nanatili kang binata, walang kaginhawahang mahihita sa iyong buhay.  Sa pag-ibig at pag-aasawa, upang guminhawa at lumigaya, hanapin mo silang mga babaing isinilang sa zodiac sign na Cancer, Scorpio, Capricorn, Virgo at kapwa mo Pisces, higit lalo silang may birth date na 5, 14, 23, 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29, sa pilin ng nasabing babae, dawalang bagay ang masusumpungan mo – isang maligayang pag-ibig at isang maginhawang o maunlad na pagpapamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending