Luis: Ako'y simpleng lalaki lang na naghihintay ng proposal ni Angel! | Bandera

Luis: Ako’y simpleng lalaki lang na naghihintay ng proposal ni Angel!

Ervin Santiago |August 20,2014
facebook
share this

Luis: Ako’y simpleng lalaki lang na naghihintay ng proposal ni Angel!

Ervin Santiago - August 20, 2014 - 03:00 AM


Matapos ang bonggang proposal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera kamakailan, mukhang totoong na-pressure nga ang ilang male celebrities sa local showbiz kung paano nila tatapatan ito.

Marami tuloy ang nagtatanong kung balak na rin bang mag-propose ni Luis Manzano sa girlfriend niyang si Angel Locsin at kung hindi ba sila naiinggit kina Marian at Dingdong.

Sa morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda kahapon nagkabiruan sina Luis at Angel tungkol sa kasal. Sey kasi ni Luis, “Sabi ko naman talaga mula nu’ng una, ako lang ay isang simpleng lalaking naghihintay ng proposal niya.”

Sagot naman ni Angel, “Pagbubutihan ko at pag-iisipan ko itong mabuti kasi kasalanan ko pala at hinihintay lang pala ako.”
Pero kahit na idinaan nila sa biro ang usaping kasalan, naniniwala kami na seryoso na sila sa kanilang relasyon at handa na ring mag-level up sa pagiging mag-asawa.

Sabi nga ni Luis sa huli naming interview sa kanya, perfect timing lang ang hinihintay niya sa pagpo-propose kay Angel.

( Photo credit to luis manzano official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending