HOROSCOPE, August 20, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, August 20, 2014

Madam Sophia |August 20,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, August 20, 2014

Madam Sophia - August 20, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Limutin ang nakaraan. Dahil birthday mo ngayon, magsimula ka ng bagong-bagong pagkatao ngayon. Magpagupit o magbago ng style ng buhok upang mas madali mong mahigop ang dagdag na suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. “Aum-Bhanah-Om.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Kung magtatayo ng negosyo, huwag kang tumabi sa mga puwesto na mahina ang benta, mahahawa ka lang sa kanila. Maghanap ng puwestong ang katabing tindahan o establisimento ay daanan at pinupuntahan ng maraming mga tao. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Aum.” Lilac at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Ang mga sahig na butas, pinto na may sirang bisagra, bintana na may basag na salamin at bakbak na pintura ay hindi nagdadala ng suwerte. Ayusin at pagandahin ang inyong bahay upang dumating ang magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gold at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Doblehin ang pagsisikap upang lalo kang yumaman. Sa pag-ibig, habang binibigyan ng dagdag na oras ang relasyon ay lalong iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 2, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Pad-Me-Om.” Blue at pink  ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Kung lagi kang tinatamad dala ng likas ka kasing tamad, magsabit ng crystal ball sa iyong opisina o silid tulugan. Sa ganyang paraan ay sisipagin ka na at sisipagin na ding dumating ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 7,  16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Naranda-Om.” Green at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—   Upang mas madaling yumaman, pataasan ng bubong sa inyong barangay ang dapat mong ipatupad. Kung sino ang may pinakatamaas na bubong, ion din ang magiging pinakamayaman. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahigawa mong mantra: “Om-Agiel-Om-Ophiel.” Red at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—           Unahan sa pagbangon ang haring araw. Sa ganyang paraan, dagdag na kasaganaan sa materyal na bagay ang iyong maakit, habang sa pag-ibig, tuloy-tuloy na magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Om-Raga-Om-Kastha.” Purple at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—   Upang makaiwas sa baha at suwertehin ang ipinapagawang bahay, itaas ang flooring ng higit sa main road. Sa ganyang paraan, mas maraming salapi at magandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 1, 4, 25, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Om.” Gold at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—   Umiwas sa mga gawaing imoral dahil ang mga bagay na ito ang magpapabagsak sa iyong kabuhayan. Panatiliin ang tapat na pag-ibig sa kapwa upang tuloy-tuloy ding lumigaya at sumagana. Mapalad ang 9, 15, 25, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.”  Red at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—   May trabahong iaalok ang isang Aries, sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, huwag hayaang makaalpas ang isang bago at mas masarap na relasyong hatid ng isang Virgo. Mapalad ang 4, 9, 28, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Upang magtuloy-tuloy ang suwerte, lagyan ng tatlong mahabang guhit ang iyong lagda sa pinakailalim nito. Sa ganyang pirma, sa pag-ibig at materyal na bagay ang aanihin mo’y  kasaganaan at ligaya. Mapalad ang 5, 18, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Om.” Blue at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Kung lagi na lang bigo sa pag-ibig, maglagay ng malaking bato o higanteng estatwa sa iyong silid o sa harap ng bakuran. Sa ganyang paraan, sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon ay liligaya ka na.  Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Green at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Kung hindi sinusuwerte sa kasalukuyan tirahan, lumipat ka kaya ng ibang lugar. Sa bagong ambience na kapaligirang malapit sa nature, higit na gagaang ang pasok ng pera at lalong mas magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 1, 7, 20, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Silver at yellow aang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending