Mommy Dionisia walang ipinagkaiba sa mga matronang tambay sa gaybar | Bandera

Mommy Dionisia walang ipinagkaiba sa mga matronang tambay sa gaybar

Jobert Sucaldito |August 20,2014
facebook
share this

Mommy Dionisia walang ipinagkaiba sa mga matronang tambay sa gaybar

Jobert Sucaldito - August 20, 2014 - 03:00 AM


NAGING vocal lately si People’s Boxing Champ Manny Pacquiao about his mom’s open relationship with Michael Yamzon. Bigla kasing naglitanya si Pacman nang makarating sa kaniya ang balitang active daw ang sexlife ni Mommy Dionisia at ng kanyang dyowa. Ha-hahaha!

Nakapagsalita raw si Manny na makasalanan ang kaniyang ina – hindi naman kasi annulled ang kasal ng kanilang mga magulang. Bawal daw kasi iyon sa isang Kristiyano which Manny is practicing.

Pero teka lang naman, hindi sa kinakampihan namin si Mommy Dionisia pero you know, kahit may edad na siya ay meron pa rin itong biological needs.

You know what I mean? Huwag lang siyang mag-ilusyong magkakaanak o magreregla pa like Madam Auring before, oks lang iyon. Yung totoo lang – yung hindi ilusyon.

Kasi nga, halatang kulay rosas ngayon ang tingin ni Mommy D sa kaniyang kapaligiran at talagang ipinangangalandakan pa raw nito na nagli-live in na sila ng kaniyang BF.

Para raw kasing nagmumurang kamyas si Mommy D. Ha-hahaha! Walang basagan ng trip, di ba? May nagbulong sa aming malapit kay Manny na natatakot itong baka limasin ng lalaki ang ipon ni Mommy D.

Kasi nga, obvious daw na pera lang ng kaniyang ina ang habol ng lalaki. Imposibleng tunay na pag-ibig daw ang nararamdaman ng lalaking ito sa nanay ni Pacman. For sure daw ay pineperahan lang niya ito.

“Grabe naman sila kung makapanghusga kay Michael. Mahal niyan si Mommy D at hindi totoong pera lang ang habol niya. Relasyon talagang matatawag ang meron sila,” reaksiyon ng isang bobitang friend namin. Kaloka!

Ang sa amin lang naman, regardless kung dahil sa pera lang or what kaya nalunok ng lalaking makipag-live in sa isang 65-year old woman like Mommy D, karapatan niya iyon.

Tulad natin, they too have the right to enjoy life and what it has to offer. Kung nae-enjoy ni Mommy D ang kaniyang sex life with him, so be it. Eh, sa na-in love ang lola ninyo, anong magagawa natin? Alangan naman pigilan n’yo iyan.

Baka mag-Hara Kiri iyan bigla. Ha-hahaha! Ang mahalaga ay masaya si Mommy D at kung naggi-give man siya ng “kabuhayan showcase” kay Michael, that’s her call.

Hindi naman siya nanghihingi ng dahtung sa atin para ibigay sa lalaki. Natawa lang kami sa isang lumabas na item na kesyo tanggap daw ng angkan ni Michael Yamzon na ito si Mommy D na maging dyowa ng kaanak nila.

Hindi na nila naisip yung sobrang layo ng age gap ng dalawa – 38 lang kasi si Michael while Mommy D is 65 na. Eh ano naman ngayon? Wala namang ipinagkaiba iyan sa mga matronang nagpupunta sa gaybar, yung mga rich old woman na naghahanap ng panandaliang aliw – yung willing to spend their millions makatikim lang ng fresh milk, di ba?

At malay naman natin, sa umpisa lang naman ang dahtungan portion, ‘no! Eventually, madi-develop din iyan into true love and money is left sa backseat, di ba? Kailangan lang talagang mag-invest muna ni Mommy D sa simula para di siya iwanan ni Michael. Pag tumagal na iyan, mauuwi rin iyan sa tunay na love. Kaya?

Kaya Manny, tanggapin mo na ang katotohanang na-in love ang ina mo. Hayaan na – give her the chance to be happy. Lilipas din iyan. Ha-hahaha! Alin ang lilipas? Yung relasyon o yung dahtungan portion? O yung kaelyahan? Choose the right answer. Ha-hahaha!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending