Barbie Forteza ayaw magkaroon ng bonggang debut | Bandera

Barbie Forteza ayaw magkaroon ng bonggang debut

Ambet Nabus |August 02,2014
facebook
share this

Barbie Forteza ayaw magkaroon ng bonggang debut

Ambet Nabus - August 02, 2014 - 03:00 AM


Eksena sa isang private hospital ang kinukukunan ng kami ay dumating sa set ng The Half Sisters, isa sa mga afternoon series ng GMA na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Thea Tolentino bilang kambal na anak ni Jean Garcia sa magkaibang ama.

Hindi na namin naabutan si Jean dahil maaga itong umalis matapos makunan ang kanyang mga eksena kaya ang dalawang kambal na lang ang aming nakapanayam.

Masayang masaya si Barbie sa takbo ng kanyang karera sa Kapuso network at ayon sa kanya ay kakaibang experience ang kanyang role dahil bihira ang kambal na magkaiba ang ama at nag-research pa nga raw silang dalawa ni Thea tungkol dito kung saan nalaman nga nilang wala pang record ng ganitong klaseng kambal dito sa Pilipinas.

Sa parteng Europe daw ay meron nito. Extended ang The Half Sisters kaya’t itinuturing ni Barbie na bonggang birthday gift yun sa kanya (she celebrated her 17th birthday last July 30).

At dahil debut na niya next year, naitanong namin kung ano ang plano niyang celebration? Bongga ang bagets dahil ayaw daw niya ng one night celebration lang dahil mas gusto niyang bumili ng isang pick up na sasakyan.

Well, kaya siguro dedma ito sa usaping “escort” dahil hindi niya feel mag-debut? Speaking of debut, itong si Thea pala ay 18 na sa Aug. 13, pero gagawin niyang Aug. 16 ang celebration na may butterfly motiff at gagawin din sa isang private resort sa Calamba, Laguna.

Take note na tatlong gowns ang isusuot ng dalaga. Nae-experience na nga ni Thea ang mga problemang pinagdadaanan ng mga nagiging kontrabida dahil malat siya nang aming makausap.

O di ba, karamihan nga sa mga kontrabida ay di maiwasan ang maging malat dahil sa kasisigaw nila. Kaya nga abangan natin ang mas tatagal pang pang-aapi ni Thea sa karakter ni Barbie.

At dahil extended nga sila, yung mga isyung tinatanong ng fans nila kung sino ang tumulak sa kanilang lola (Carmen Soriano) at kung kailan maibabalik ang paningin ng kanilang ina (Jean Garcia) ay dapat nilang abangan!

( Photo credit to barbie forteza official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending